Saan na naman kami pupunta? Naku naman… 9:50 a.m.palang naman… sumakay na kami sa kotse niya at….
“uy! Dahan dahan naman! Baka mabangga tayo!” ang bilis kasi niyang magpatakbo ng sasakyan. Pero sa halip na bagalan niya, mas lalo pa yata niyang binilisan. Nang-aasar ba to? Eh, kung maaksidente kami? Pero huwag naman sana. Natatakot na talaga ako, kaya nakapikit nalang ako trying to calm my self. I had never ride a vehicle na ganito ka bilis. Pero after ilang minutes, naramdaman ko nalang na medyo nag dahan-dahan na ang sasakyan at napamulat ako nang huminto na ito. “thank you Lord!” sabi ko nalang sa sarili ko.
“you should have seen your face! Ahahahhahaha” sabi niya sabay tawa.
Pero instead na maasar ako, tiningnan ko lang siya, marunong rin pala siyang tumawa. Hehehe.
“anong tinitingin tingin mo?” ayan na naman siya…
“wala.” At napa smile nalang ako sakanya. Nag iwas lang siya ng tingin at bumaba na. Bumaba narin ako sa sasakyan niya. Nang nilibot ng paningin ko ang paligid, napagtanto ko na nandito pala kami sa mall. Ano naman ang gagawin naming dito? Wag niyang sabihin na gusto niyang mag shopping?...
Pumasok na kami ng mall at, medyo hindi naman madami ang tao, pero bawat madaanan niya, napapatingin sa kanya yung mga tao. Ganito ba talaga siya ka agaw pansin?Kung sabagay, gwapo siya, medjo ang hot pa niya kahit na simple lang ang suot niya… teka? Don’t misinterpret me ha?! Hindi ko siya inaadmire. I’m stating the fact lang. naka white v-neck shirt lang siya at jeans na fit. Ang cool lang ng dating, ang galing kasi niyang maglakad, parang full of confidence pero, parang hindi maangas ang dating na hindi rin mahangin. Yung hindi kagaya ng iba na, hindi bagay. Sakanya kasi parang natural lang.
Nakasunod lang ako sa likod niya, pero hindi ako masyadong malapit. Pumasok siya sa toys R us??? Anong gagawin niya sa loob? Wag niyang sabihin na, sa cool niyang aura, isip bata pala siya? hahhahah…
“alam mo, para kang baliw na naka smile mag-isa diyan!” sabi niya.
“ha? Eh, ba’t ka ba kasi pumasok dito? Baka nagkamali ka ng pinasukan. Toys R us poi to!
“natural alam ko! Bibili ako ng laruan!”
“bibili ka ng laruan?” sakto naman at tumigil siya sa harap ng mga Barbie dolls. Naku po, sayang naman siya, wag niyang sabihin na…. “are you gay?” tanong ko sa kanya, di ko kasi mapigilan ang sarili ko.
Humarap siya sakin at pinitik na naman ang noo ko. Masakit kaya! Nakakadalawa na siya ah!
“I’m not a gay! Pumili ka…” sabi lang niya.
“hindi ako naglalaro ng Barbie. Hello… College na po ako.” Sabi ko sa kanya.
At pinitik na naman niya ang noo ko! Pangatlo na’to ah! Ano ba ang problema ng lalaking to?
“alam ko naman siguro na hindi ka na naglalaro niyan. Pinapipili kita dahil hindi ko alam kung saan diyan ang magugustuhan ng kapatid ko!” so hindi pala talaga siya “bading”?at may kapatid pa siya?
“may kapatid kapa? ilang taon?”
“14 years old, and 9 years old. Puro babae mga kapatid ko.” Sagot niya.
“talaga? parang ang saya naman nun!” sabi ko. Sana ako rin may mga kapatid… ang caring rin pala ng lalaking to as a brother.
“pumili ka na nga lang.” okay nasana eh, pero kung maka utos naman to, parang binabayaran niya ako. Pero okay lang yan, obedient lang ako dapat, baka ipagkalat pa ito kung sino ako… ngayon na nga lang ako nakaranas na parang ang normal lang ng buhay ko…
BINABASA MO ANG
RESTRICTIONS
Teen Fictionpa'no kung minsan kanang nasaktan dahil nagmahal ka??? at pa'no pag sinabi mo sa sarili mo na ayaw mo nang magmahal uli dahil ayaw mo nang masaktan??? pa'no pag may biglang dumating na lalaki sa buhay mo??? lalaking sinasabing mahal ka??? handa kapa...