Chapter 4: Whaat??

293 3 0
                                    

Fastforward>>>>>>>>>>

Tuesday ng umaga sa dorm ng Lady Spikers-

Cienne's POV

8:45 na ng umaga at bukas na ang fieldtrip slash gift ni coach sa pagkapanalo namin. Gising na ako pero 'di pa rin ako bumabangon sa kama ko. Iniisip ko lang naman yung pagpunta ni AVO 'nung sabado, nahuli ko ang pagsulyap 'nya sa'kin bago tuluyang na 'sya umalis. May something pa ba 'sya for me? Ewan ko sayo Cienne kadiri kaya 'yon. Para na 'kong baliw kinakausap ko ang sarili sa aking mind. Hehe. Kadiri? Kasi hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa 'nya sa'kin noon. Pero 'di n'ako affected ha? Okay? Hinding-hindi na!

"Hinding-hindi na talaga!!" O-em nailabas ko pala yun sa bibig ko, kaya yan nagising silang lahat dahil sa pagkagulat kahit nga ako nagulat eh.

Ara: Ano ba yan Cienne!!?? Ang ingay ko kitang natutulog yung tao eh!

Mika: Ano 'bayan Ciennang!? Ang ingay mo!?

Kim: Panira ng panaginip oh! Jusmeyo! Ciennang tumahimik ka na nga lang dyan!

Carol: Aaaggrrrhh! Cienne naman eh!

Oh no! Nagising ko silang lahat ang galing ko pala mang gising kasi sina Ara at Kim naka beastmode pagnagising mo sila . At mahirap 'yung dalwang yun gisingin except kay Mika at Carol. Anyways, nagalit ko silang lahat, kaya ang ginawa ko na lang ay nag sorry ako sa kanila at lumabas na ng kwarto alangan naman na biruin ko pa, wag na lang noh.

Fastforwardd>>>>

Nag lalakad ako sa campus dahil mamayang 3 pa ang last class ko so umupo na lang ako sa isang tagong place sa likod ng building ng class ko para mamaya, at para rin hindi ako maleyt. 'Di rin ako gutom kaya dito na lang talaga ako. At nakikining sa mga lovesongs, corny pero nakakarelate. Nang biglang may nagsalita sa likuran ko....

"Uhmm.. Hi, are you alone?"

Wait. Teka pamilyar yang boses na yan sa'kin ah.

"If you don't mind makikiupo lang sana ako kasi masyadong maingay sa caf, eh."

Nilingon ko 'sya at tama ang hinala ko na si AVO yung nagsasalita. Naka face palm lang ako at umalis pero pinigilan 'nya ako. Hinawakan 'nya ang wrist ko para hindi ako makaalis.

DUG.DUG.DUG.DUG

Ano ba hearty? Wag ka nga dyang maingay.

AVO: Cienne ikaw pala yan 'wag kana mang mag walkout, oh? Pwede ba tayong magusap?

Me: Ano pa ba ang paguusapan natin?

AVO: 'Wag mo nga ako sagutin ng tanong. Please pwede ba?

Mika's POV

Andito kami ngayon ni Carol sa caf bumili lang kami ng pagkain at naghanap kami ng uupuan.

Carol: BBF wala na tayong table bakante na lahat.

Me: Ang bagal mo kasi kumilos eh. Di bale may alam akong spot kung saan tayo makakakain ng walang tao at tahimik.

Carol: At 'san naman yan?

Me: Doon sa likod ng building na yan oh. *sabay nguso sa building na tinutukoy ni Mika*

Carol: Have no choice, oh ano, leggo!

Mabilis kami ni Carol sa likod ng building na ito dahil malapit lang 'to sa caf. Nang nakaupo na kami bigla na lang nagsalita si Carol ng pabulong.

Carol: Mika, tignan mo yung dalwang tao dun oh, parang pamilyar ang pigura ni girl.

Me: At ni boy.

Carol: Hindi lang pala tayo ang nandito eh, may iba rin pala, tara lapit tayo para marinig natin pinag uusapan nila AT kung sino sila.

Me: O'sige tara tago tayo dun sa bush sa likod nila.

Aba! Exciting to umandar na naman ang pagiging chismosa namin. Nang nakatago na kami ng dahan-dahan sa likod nila o yung bush na nasa likod nila, ay bigla na lang kami nagulat ni Carol na sila Cienne at AVO pala ang taong kanina pa namin hinuhulaan kung sino. Ang ginawa namin ay nakinig at nanahimik sa likod nilang dalawa.

Cienne: Ano pa ba ang paguusapan natin?

AVO: 'Wag mo nga ako sagutin ng tanong. Please pwede ba?

Cienne: Fine. Bitawan mo muna ang wrist ko.

AVO: *tuluyang binitawan ang wrist ni Cienne* Gusto ko lang itanong, kung bakit hindi mo pa rin ako mapatawad?

Cienne: Dahil you don't deserve na pagbigyan dahil sa kasalanang ginawa mo sa'kin. *mataray nasagot ni Cienne*

AVO: Kinalimutan mo na ba lahat ng sinabi ko sayo noon na mahal na mahal kita?! At ikaw lang ang mahal ko. Hindi kinalimutan ang pagmamahal ko para sayo noon hangang ngayon.

Cienne: Hindi ko yun nakalimutan, kase isa lang yung kasinungalingan.

Whhaat? I don't believe it I mean we don't believe it. Anong meron sa kanila noon? Hindi na namin napansin ni Carol na wala na si Cienne at naiwan si AVO na tulaley. Umalis narin kaming dahan dahan kami ni Carol pumunta ng caf.

---------------------------------------------

[A/N: lame ud sana okay lang sainyo at sana gets nyo rin. Ano bang meron sa kanila noon ni Cienne at AVO? hmmmm?]

My Past And My Present (Cienne Cruz/Arnold Van Opstal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon