Chapter 1 (WTML)

247 5 0
                                    

First chapter! :) Enjoy

~SN

--------------------------------------------------------------------

Adalae's POV 

Boring weekend!  

Nasa mall ako ngayon. Naglalakad-lakad. Kasama ko yung apat kong bestfriends pero nag-cr muna sila. Sabay-sabay nga eh, sabay-sabay maihi -_- 

Ako na lang tuloy naiwan dito nakaka---- wait lang... 

Naglakad ako pabalik doon sa nilampasan ko na shop at pumasok sa loob. Tindahan ito ng mga libro, pero hindi ako pumasok dahil gusto kong bumili, pumasok ako dahil sa nakita kong bookmark. 

Kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti 

WHAT THE HECK?!! BAKIT MUKHA KO ANG NANDITO!? 

Nilapit ko pa sa mukha ko yung bookmark. AKO TALAGA TO EH! Di ako pwedeng magkamalli! Pero infairness! Ganda ko dito ah! ^_^ pero kahit na! Ninakaw nila picture ko eh! Hindi porket maganda ako eh magnanakaw na sila! Tsk. Nakita ko agad tong' bookmark kasi nasa may glass nakalagay eh. Tsk!

Nilapitan ko yung babae sa cashier 

''Miss'' 

''Yes Ma'am?'' sabi niya ng nakangiti  

''Bakit niyo binebenta toh?'' sabay pakita ko nung bookmark

''Ahhh. Yan po ba ma'am? Siya po si---'' 

''Hindi ko tinatanong kung sino, tinatanong ko kung bakit niyo binebenta toh?'' tinanong ko ba kung sino?! -_- 

''Ah. Sorry po ma'am. Binebenta po yan kasi---'' 

''Kasi ano? Dahil maganda? Miss, alam niyo bang masama ang magnakaw?'' aba aba 

''Pero ma'am--'' 

''Alam niyo bang pwede ko kayong ireklamo, makukulong kayo!'' kala nila ah! 

''Ma'am si ano po yan--'' 

''Ako toh miss! Di mo ba nakikita?! AKO YAN OH!'' tapos nilapit ko sa mukha niya yung bookmark, as in sobrang lapit. Natigilan naman yung babae. Natakot siguro, hmp! Dapat lang.

''Anong nangyayari dito Pat?'' nilingon ko yung babaeng nagsalita. Kasamahan niya ata, naka-uniform din tulad nung babaeng cashier eh. 

''Ito!'' tinuro ko sa babaeng kabute yung bookmark 

''Bibilhin niyo po?'' tanong niya

''ABA! Pilosopo kayo! Irerek---'' hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may lalaking humila saakin

''WHAT ARE YOU DOING IN HERE?!'' pagaalalang tanong niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko 

Tinitigan ko lang siya with who-the-heck-are-you look. Sino ba toh? 

''HINDI BA DAPAT NASA OSPITAL KA?!'' tanong niya na halos pasigaw na, hindi pala halos. Sigaw na talaga    

Pero...ano daw? Ospital? Ano namang gagawin ko doon? O_o Baka siya yung kailangan ma-ospital, baliw ata toh eh. Takas siguro sa mental! O_O HALA! Paano sila nakapasok dito sa loob ng mall?

Nagulat nalang ako nung hilahin niya ako palabas ng shop

Hala! Saan niya ako dadalhin? Hindi kaya sa mental? O_O BALIW NA DIN BA AKO PARA DALHIN SA MENTAL?! 

Pero bago kami makalabas narinig ko yung sinabi nung dalawang tindera ''Hindi kaya hater ni Yuri yung girl?'' 

Anong hater pinagsasabi nila? 

When They Meet Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon