Chapter 2- (WTML)

136 5 0
                                    

Sorry kung mabagal update guys. I-enjoy niyo muna itong chapter na ito :)

------------------------------------------------------------------------------------

Kaira's POV

Nasa bahay ako ngayon at nagreresearch about Kwon Yuri and where is she right now and according to my research, she's in New York to do some stuff. Weird. As far as I remember, the guy yesterday who is freaking out like a freakin shit told us that Adz, which is si Yuri ang tinutukoy niya ay nasa ospital dapat. Like what the f? Ang gulo naman. Sasabog na ata ulo ko =_=

Grrruu~

Ay leche, nagugutom ako. Makababa na nga lang

Shinut down ko yung lappy ko then bumaba papuntang kusina. Kaso pagpunta ko dun....

"Ay naknang pupu!" sus maryosep! muntik na akong atakihin dito

"Grabe ka naman Kai. Hindi naman ako anak ng pupu ei. Hehe ^-^" tsk. Ilang vitamins ba tini-take nito araw-araw at ganito toh ka-hyper. >3

"Hyper forever!" sabay irap ko kay Alex sabay bukas ng ref at naghanap ng makakain

Bakit siya nandito? Malay ko diyan. De joke lang. Magkakasama kaming lima sa iisang bahay. Yep. Kala niyo sa mga stories lang yan, nagkakamali kayooo~ Lols. Gift saamin toh ng parents namin. Well, except kay Adz. Nung una ayaw ng parents niya pero pumayag din. Si Adz ang pinaka mayaman saaming lima.

"Ganun talaga noh. Kaya bata pa ako tignan kasi lagi akong masaya. Di tulad nyo, ilang taon ka na ba at si Scar at nakakunot lagi yang noo ninyo?" pang-aasar niya

"Dude. You're really funny. Sa sobrang funny nakalimutan ko na papaano tumawa" sarcastic kong sabi sa kanya sabay upo sa tabi niya

Tumawa naman siya. =_= Baliw talaga toh eh

"Sila Liz?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ng spread sa slice bread ko

"Si Adz tulog. Yung dalawang magkapatid, lam mo na siguro ano ginagawa" sagot nita saakin

Every week ginagawa ng magkapatid yun. Mga, ano ba tawag doon? I forgot eh. Basta yung mga nagvivideo tas ipopost sa youtube. Yung sa kanila mga DIY and girly stuffs yung mga ginagawa. Actually marami na ring subscribers, 600k + I think. Bonggashious noh?

If you ask me what is my hobby. Well, I'm a painter. Di makapaniwala ano? Haha. And I also write. Sa isang website. Actually may 500k reads na ata story ko eh. Can't believe it. Haha

"Guys!!! Movie marathon!!!" narinig kong sigaw mula sa sala

Tumayo kami ni Alex at pumuntang sala

Si Adz nandoon. Naka-upo sa carpet at may nakalatag sa table na napakaraming DVDs

"Where did you get all of that?" tanong ko sa kanya

"I found it sa bedroom ko. May box doon at guess what? mga movies pala toh na nabili ko dati pa pero di ko pa napapanood. So ano? tara?" masaya niyang sabi

"Game ako diyan!!! Wait.. maghahanda lang ako ng popcorn at potato chips and sodas and such! K?" hyper na hyper na sabi ni Alex at dumiretso na sa kusina. Napailing nalang ako

"Tawagin ko lang yung mag-sisters" sabi ko kay Adz

"Okie! ^-^" sagot niya

Dumiretso na ako sa itaas

''Okay. That's all for noow guys! We hope you enjoyed our new video! Please subscribe and watch out for our next video! Bye!! ^__^'' masayang sabi ni Lizette at clinick ang stop sa camera

When They Meet Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon