Ako si jailyn Mendez. Nakakakita ako ng mga multo. 8yrs. Old pa lang ako nung nalaman ko ang kakayahan ko. Sabi ni lola, isa daw tong regalo.
"Tulong. Tulungan mo ako. "
Ina-antok pa ko pero pinilit Kong tumayo mula sa pag-kakahiga sa kama para tingnan kung ano yun. Pero walang kaluluwa. Bumaba ako at binuksan ang ilaw pero wala parin. Lumabas ako, pero talagang wala. Kaya bumalik na ko sa kama. Ewan pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala akong kasama sa bahay ko dahil ulilang lubos nako kaya kung sakali mang may kung ano rito, wala akong matatakbuhan. Natulog na uli ako. Pero di mawala sa isip ko kung ano yon.
TOOT TOOT TOOT
Napa-balikwas na lang ako ng makita kung anong oras na. " alas syete na! " ano ba yan! Nagmadali akong maligo di narin ako kumain. Lumabas agad ako ng bahay. Nasa daanan na ko ng may mabangga ako."Sorry. "
"your jailyn right? "
ako daw ba?
"Yes. Sorry I have to go. "
Di ko na nakita ang muka niya. Tinawag niya pa ko pero di ko na siya nilingon. Pero.... Pano niya nalaman ang pangalan ko?
Nakakatamad. Ngayon lang ako tinamad ng ganito. Si ma'am Dada ng dada. Ewan. Wala lutang talaga ako ngayon.
"Ok. Class dismiss. "
Buti naman. Bumili ako ng pagkain sa canteen ng nakita ko isang itim na kaluluwa na nakasunod sa isang estudyante.
"Excuse me. "
nag-aalala Kong tanong sa kanya. Pero di niya ko pinansin. Umalis na yung kaluluwang nakasunod sa kanya at sinundan ko yun. Pumunta siya sa garden.
"Huh huh huh.... Aahhhhh!!! "
Ah. Sumigaw hung kaluluwa. Nabibingi ako. Napahawak ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng iyak niya.
"Umalis ka dito! "
Boses ng isang lalaki.
"Ayos ka lang? Jailyn? "
kaboses niya yung lalaki kanina.
"A-ayos lang. Pano mo ginawa yun? "
Tanong ko.
"Pina-alis ko lang siya. "
ang galing niya. Nagpasalamat ako sa kanya. Umalis na rin siya agad. Ang dami ko sanang itatanong sa kanya pero wala na siya. Inaamin ko, may itsura siya. Hoy!! Opinion lang yon!! Yun lang. Nawala na rin yung kaluluwa.
Papauwi na ko sa bahay ng nakita ko nanaman yung itim na kaluluwa."Tulungan mo ko. Tulong. "
tinanong ko siya, anong kailangan mo? Salip na sagutin ako, humarap siya sakin at binigyan ako ng malawak na ngiti. Lalo niya pang nilawakan ang ngiti niya hanggang sa mapunit na ang kanyang labi. Napa-atras ako. Tumulo na ang dugo sa kanyang bibig. Napunit na ang kanyang pisngi, napasigaw ako, HINDI KO NA KAYA!
"Gising! Jailyn, gising! "
boses yun nung lalaki.
"Anong nangyari? "
tanong ko.
"Nakita lang kitang nakahiga sa daanan, ano bang nangyari sayo? "
mukang nakatulog yata ako.
"Ah.. Wala nakatulog lang siguro ako.! Hehhehe! "
palusot ko.
"Anyway, I'm Eren Xanders. "
"I am-"
di na niya pinatapos ang sasabihin ko.
"You are Jailyn Mendez. Right? "
how did he know my name. Anyway, that's not the point here. Nagprisinta siyang ihatid ako sa bahay. May car siya at mukang mayaman. Pumayag ako. Pagabi narin non. Nasa front seat ako habang siya ang driver.syempre!kami lang naman ang tao rito eh!ang tahimik. Mula sa side mirror,natanaw ko yung itim na kaluluwa. Maayos ang muka niya. Ang talas ng tingin niya sakin. Iniwas ko na lang ang mata ko. Nahatid na ko ni Eren sa bahay at nagpaalam na kami sa isa't-isa. He's so gentleman. Bubuksan ko na sana ang pinto ng mapagtanto, Kong wala ang bag ko! Nandun yung susi ko! Ang lahat ng gamit ko! Phone at iba pa! My God naiwan ko sa car ni Eren! ang ID ko lang ang naiwan sakin. Hindi matao dito, kaya wala akong mahingian ng tulong. Tanging ID ko lang ang nasakin. Du-duguan. Yung ID ko may mga dugo!! Pati uniform gusot. Kinikilabutan ako mukang minumulto na naman ako. Hay..... dito muna ko sa labas matutulog ngayong gabi. Natatakot ako. Napaupo na lang ako sa labas ng pinto at yumuko sa tuhod ko, hinihintay mag-umaga.
"Tulungan mo ako. Tulong. "
Boses yun ng isang lalaki. Tumayo ako at hinanap kung san galing yung tunog. Nakarating ako sa garden. Yung boses, mula sa isang katawang, walang ulo! Nagtatakbo ako sa sobrang takot.
"Aray! "
napatid ako sa isang bagay.
"U-u-l-lo! "
Tumayo ako agad at tumakbo na naman. Halos na libot ko na ang buong yard ng bahay at mukang wala na rin yung multo.
"Pwede mo bang iabot yung ulo ko? "
Ayoko sanang lumingon pero ayaw akong sundin ng ulo ko. Pagtingin ko sa likod, nandun nanaman yung katawang walang ulo! Hindi ako nakagalaw. Hindi ako makatayo, makapagsalita salip umiyak ako sa sobrang takot. Bakit parang kadamit niya si eren? Anyway, nabalik ako sa realidad ng may ituro siya sa likod ko. Yung.... Ulo niya!
"Akin na ang ulo ko. Pwede mo bang iabot ang ulo ko? "
A-ano daw? I-aabot ko ang ulo niya? Mula sa di kalayuan, may isang babae akong natanaw. Lumalapit siya sakin. Na-t-ta-k-kot a-ako. Di parin ako makagalaw. Yun yung itim na kaluluwa. Ang hindi ko maintindahan, ay kung bakit niya inabot yung ulo dun sa katawan. Hindi ko nakita yung muka nung pugot, dahil umalis na yung kaluluwa nung mabuo yung katawan niya. Pero nandito parin yung isa.
"Ngayon, ako naman ang tulungan mo. "
Ang creepy niyang magsalita. Hindi ko na kinaya. Napasigaw na lang ako na napakalakas."Hey! Jailyn wake up! Your dreaming! Wake up! "
"AAAAHHHHH! "
Bakit nandito si eren? Nagising ako. Nasa tapat kami ng pinto ng bahay. Sabi niya, nanaginip daw ako. Tinanong niya ko kung ayos lang ako, OK ang sagot ko. Sinabi niya rin kung ayos lang sakin na dito muna siya tutulog pero ang sabi ko wag na. Ayos lang ako. Kahit hindi. Ibinalik niya sakin yung bag ko. Di muna siya umalis hanggat di ko nabubuksan yung pinto. Hindi ko mabuksan ng maayos yung pinto dahil nanginginig parin yung kamay ko. Umalis na si Eren. Nakakapagtaka lang ay kung bakit wala na yung car niya. At yung leeg niya duguan. Mukang pati siya minumulto na rin. Pag katanggal ko ng lock, ayoko
pa sanang buksan ang pinto dahil baka may kung ano nanaman. Pero wala. Sa loob ng bahay, walang kahit ano. Napanatag ako. Natulog na ko. Sa sobrang takot, di na ko nakagalaw sa kama. Kung noon ang likot kong matulog, ngayon isang pwesto na lang ang postura ko. Siguro panaginip lang yung nangyari kanina. Yun lang din ang sabi ni eren.Pero, panaginip lang nga ba yon?
YOU ARE READING
into the gardengrave
Spiritualjailyn, a girl who had a third eye. And has psychotic expressions specially when she get angry.