Part 2: explanation

3 3 0
                                    

Ako  si W. bloodkastle. Ayaw lang kasing mapalitan ang username ko kaya ganito. Ito ang tunay na un nang publisher ng story. Ikukwento ko lang sa inyo ang buod ng storya. Inaamin ko na maikli lang ang Into the gardengrave but I wish you like and vote this!
--------------------------------------------------------------
Ulilang lubos na si Jailyn. Namatay ang mama niya nung ipinanganak pa lang siya. Papa niya ang nag-alaga sa kanya ng two years. Namatay rin kasi ang papa niya dahil sa car accident. Two yrs. Old pa lang siya. So di niya talaga nakilala ng lubos ang mga magulang since bata palang siya nun. Lola niya ang nag-alaga sa kanya. Yung bahay na tinitirahan niya ngayon ay yung bahay nila noon ng lola niya. Saktong 8th birthday ni jailyn, nakitaan ng malalang sakit ang lola niya. Sabi ng lola niya sa kanya, may kapangyarihan daw siya. At gagamitin ni jailyn ang powers na yun para tumulong. Nung una, hindi niya maunawaan yun, pero nung malaman niyang may third-eye siya, naintindihan niya rin. Thirteen lang siya ng mamatay ang lola niya. Pero kinaya niyang mabuhay, ng hindi mag-isa. Natuwa siya sa kapangyarihan niya. Dahil kasama niya parin ang lola niya. Lumipas ang mga taon, namulat siya. Nalaman niya na patay na ang lola niya. Matagal na. Ng nalaman niya ang totoo, hindi niya narin nakita ang lola niya. Sobra siyang nalungkot. Mas nakakalungkot ng wala man lang siyang nalamang kahit ano tungkol sa mga magulang niya. Simula nun namuhay na siyang magisa. Naghahanap ng sidelines, nagaaral at naglilinis ng buong bahay niya. May kalakihan din dahil makaluma ang disenyo nung bahay. Marami siyang nakikitang multo kung saan-saan. Inisip niya na hindi masaya na maging katulad niya. Akala niya buong buhay niya magisa lang siya. Pero dumating si Eren. Ang nag-iisa niyang kaibigan. Akala niya masaya na, pero hindi. Marami pang dumating. Mga kaluluwang nangangailangan sa kanya. Akala niyo ba yun lang yon? Masama siya. At kung ako sayo, lalayuan ko ang mga katulad.... Ni Jailyn.

Her family's past

"Ayoko nga! Mahal ko ang bata! "Sigaw ng nanay ni jailyn.

"Sabihin mo munang akin yan! "Sabi naman ng asawa niya.

Patuloy sa pagiyak ang babae habang nagmamakaawa siya sa kanyang asawa. Nag patuloy ang pagaaway nila hanggang hindi sinasadyang natulak ng lalake ang asawa niyang kabuwanan na.

"A-aray, ARAAAY! ANG TIYAN KO! papatayin kita kapag namatay ang anak ko!! Aaaahhhh!!!! "

"Pa-pasensiya na. "Sa sobrang takot ng lalake ay kumaripas ito ng takbo palabas. Sobrang pagpagkamuhi naman ang naramdaman ng babae.

"Hayop ka! Papatayin kita! Sinusumpa ko!!! Aaahhhh! "
Walang kahit sinong tumulong o dumating para tulungan sila ng kanyang anak.
Nanganak siya magisa. Hindi man niya alam kung buhay pa ang bata ngunit wala siyang pakialam salip kinarga ang bata at hinele pa ito.

"Tulog na. Kailangan lumaki ka ng sinusunod ako ha... Hmmmm. "

At tuluyan na ngang nabaliw ang kanyang ina.

into the gardengraveWhere stories live. Discover now