Part 4: memory

3 1 0
                                    

Nasa phsychic homes ako ngayon.  Nandito ako, para humingi ng tulong
Sa mas nakaka-alam. Sinabi ko ang problema ko sa kaniya tungkol sa black ghost, I mean killer ghost.

Nandito na kami ngayon sa bahay ko. I che-check niya daw kung may multo dito. Di pa man kami nakakababa mula sa sasakyan niya. Kinikilabutan na daw agad. Siya.

"Ang lugar na toh. Lugar ng mga kaluluwa. Mga kaluluwang hindi matahimik. Mga kaluluwang nangangailangan ng hustisya. "

Tumingin siya sa kin pagkatapos niyang banggitin ang mga
Yon. Inikot niya ang buong bahay hanggang mapadpad kami sa garden.

"Diyos ko. " bulong niya.

" ang garden na Ito, saksi sa lahat ng pagdurusa. Mga kaluluwang hindi matahimik ay nagkumpulan dito. Kailangang sunugin ang lugar na toh. "

Inikot niya ang kanyang paningin sa buong bakuran, naghahanap ng bagay na makakasunog.

"Teka lang po. Hindi po pwede. Bahay po toh ng lola ko.! " babala ko sa kanya.

"Hindi! Ang bahay na Ito, ang buong garden natoh, kalangang mawala! "

Wala na kong ibang paraang maisip kung pano siya patitigilin sa pagwawala. Nakakita ako ng pala sa tabi, kinuha  kinuha ko yun at ipinukpok sa ulo ng ispiritista.

"Anong ginawa ko? "

"Ginawa mo ang dapat. "

Boses yun nung killer ghost.

"Hinarap mo rin ako. Bakit mo ginagawa sa kin toh!! Bakit kailangan nilang mawala! Among plano mo? Huh? " galit na talaga ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo? Ikaw ang kumitil ng buhay nila. Pinagsasabihan at pinapayuhan lang kita. Bilang iyong ina. "

Ang malamig niyang pagsasalita, nilooban naman ako ng init. Sobrang init na pakiramdam. Ako ang pumatay? Anak? Niya ko?

"Sinungaling!! Ikaw! Killer ghost ka!! "

"Kung ako nga ang pumatay sa kanila, ipaliwanag mo sakin kung pano namatay ang spiritistang tan ng wala ako. "

Ano daw? Yung spiritista patay na? Nilingon ko yung pinagbagsakan ng katawan niya nung pinukpok ko siya. Napahawak ako sa bibig ko at napa-atras ako ng nakita ang duguan niyang ulo at katawan sa sahig.

"Paanong? "

"IKAW! PINATAY MO SIYA!! " 

ANO?  Ako?  Pero paano?

Unti-unting nag sisink in sakin ang lahat. Yung nangyari kanina. Naaalala ko na. Nung pinukpok ko yung ulo niya, hindi agad siya nakatulog. Gu magapang siya papalapit sa posporo at binabalak na sindihan yun. Pero, binalaan ko siya. Huwag niyang susunugin ang lugar na toh. Hindi na ko nakapagpigil. Gamit ang pala, pinukpok ko sa bandang batok niya. Sumirit ang napakaraming dugo niya. Habang patuloy ako sa pagpokpok sa kanya. Hanggang sa maghiwalay ang ulo at katawan niya.

Pero, bakit? Tumingin ako sa paligid, oo nga. Duguan ang buong garden. Pati ako tadtad ng dugo. Among ginawa ko?

"Anak tama lang yan. Isipin mo ang lahat ng galit mo at hahanapin natin ang papa mo at isusunod natin siya. "

"Panaginip lang to diba? Hmm. Oo. Panaginip lang nga toh. "

"Hindi anak. Totoo Ito. Kasalanan to, ng papa mo. Kung hindi ka niya pinabayaan, hindi ka sana ganto. Kaya kailangan niyang mawala sa mundo"

"Matagal ng patay ang papa ko! Pati ikaw! Wala na! Iniwan niyo ko lahat! Wala na nag-iisa na lang ako! "

Among nangyayari sakin? Dumudilim ang paningin ko. Nababaliw na yata ako. Totoo nga kaya? Ako nga ba ang pumatay sa kanila?

"Si Eren, ang lola mo, si meow at siya. "

Sabay turo niya sa katawan ng espiritista.

"Lahat sila, wala na dahil sayo. "

"Sinungaling! IKAW! HINDI AKO! IKAW!  "

totoo nga, mukang nababaliw nako. Pero bakit? Mahal ko silang lahat, kaya bakit ko gagawin yun.

Si lola, minahal niya ko. Inalagaan niya ko. Kaya bakit?

Si meow, pinasaya niya ko nung mga panahong nagiisa ako. Marami siyang naging alaala sa pamilya kaya, bakit?

At si... Eren. Minahal ko siya. Kahit kaibigan lang ang tingin niya sakin. Napadama niya parin sakin na hindi ako nag-iisa. Pero......  BAKIT!!

into the gardengraveWhere stories live. Discover now