Part 3: killer ghost

6 1 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa isang malapit na baryo mula sa bahay. Out of stocks na kasi. Pero habang namimili ako, rinig na rinig ko ang bulungan nila.

" Yan yung apo nung mangkukulam diba? Oo nga. Baka mangkukulam din yan."

Mga tsismosang toh! Nagbulungan pa rinig na rinig naman. Sana kasi may pasok na lang ngayon. Linggo na. Bukas may pasok na uli. Nakita ko nanaman yung itim na kaluluwa. Nakaharap siya sakin. Nakatingin lang ang mga mata niya sakin na walang emosyon. Maayos ang itsura niya ngayon kaya hindi ako natakot sa kanya. Nakipagtitigan lang ako. Hanggang may isang taong dumaan sa harap ko. Pero pagkalagpas nung Tao, wala na rin yung itim na kaluluwa o blackghost.

Tapos na Kong mamili ng makasalubong ko yung dalawang tsismosa kanina. Sama ng tingin sa kin. Di ko na lang sila pinansin.

Nasabahay nako. Inaayos ko yung mga pinamili ko. Mula sa bintana ng kusina, kitang kita ko yung black ghost na nakangisi sa kin. Duguan na naman siya. Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko uli siya, pero wala na. Buti naman.

*school

"May patay!!! Walang ulo!"

sigaw ng isang student ng lumabas siya sa cr ng boys. Papasok na ko nun sa gate ng school. Nagtambakan na yung ibang studyante dun. Nakisingit na rin ako.

O-oo nga. May patay! Na gulat na lang ako. Yung lalaking patay, yung ka kompitensya ko! ButI nga sayo! Ang yabang mo kasi! Mali! Jailyn Mendez! Hindi tama na matuwa ka dahil may namatay! Umalis ako agad sa crime scene dahil ayokong makita ang kaluluwa niya.

*after school

Tapos na ang lahat ng klase ko. Pero kahit isang subject, wala akong naintindihan. Dami ko kasing iniisip. Yung lalaking patay kanina, si-!siya rin yung lalaking sinusundan nung itim na kaluluwa nung isang araw. Anyway, yung isa ko pang iniisip ay si Eren. Hindi kasi siya pumasok ngayon. Nakakatamad din tuloy pumasok.

*Jailyn's house

Two days na Kong hindi pumapasok. Ang bigat ng pakiramdam ko. Dahil two days akong nagkulong sa bahay, madaling naubos yung stocks ko. Ngayon no choice ako kung hindi bumalik na naman dun sa baryong puno ng mga tsismosa.

Bumibili na ko ng may mapansin akong dalawang tarpaulin. Nagtanong ako sa isang tindero dun, na curious ako, kamuka kasi nung dalawang tsismosa yung nasa picture.

" ah yan ba. Patay na Yang mga yan. Nung nakaraan pa. Tsismosa kasi.. Hmm. "

nagjoke pa si kua. Hindi yun nakakatawa. Yung isang araw bang tinutukoy niya ay yung araw na nandito ako? Ano bang nangyayari? "

"Ah. Kua, bakit daw po sila namatay? " tanong ko.

"Ewan. Ang sabi, nakabigti daw sila sa puno. Pero wala na silang ulo."

naka- bigti?walang ulo? Pano yun?

"Ibig kong sabihin eh yung katawan nakatali tapos walang ulo. Oo yun nga. "

Yun din kaya yung ikinamatay nung multong walang ulo? Biglang nagring yung phone ko.

("Hello? Ikaw ba si jailyn? ")

bakit ako kilala ng nasa kabilang phone?

"Opo. Ako po si jailyn Mendez. Sino po I to? "

("ako si Mary xanders. Mommy ni eren. ")

mommy ni eren?

"Bakit po? "

("San ka nakatira? ")

bakit kaya? Nagtitiwala naman ako sa kanya. Kasi mama siya ng dream boy ko! Kaya ibinigay ko sa kanya ang address ko.

"Bakit po? "

("ikaw lang kasi ang nasa contact ng phone niya. Naisip ko baka friend ka niya.")

Sa tono ng boses niya, malungkot siya.

"Opo. Bakit po? "

Tanong ko ulit.

("Huling lamay na kasi ni Eren, baka gusto mong umatend. ")

ano daw? Nabitawan ko ang phone ko. Napaluhod at hindi ko inaasahan na umiiyak na pala ako. Dumating na ang sasakyan na susundo sakin pero hindi ako sumama, hindi ako makatayo, sa tingin ko wala akong ganang kumilos. Ano ba? Ayoko rin siyang makitang..... Nasa kabaong.
TOOT TOOT
nagring nanaman ang phone ko.

("Jailyn? Bakit hindi ka sumama? ")

wala sana akong balak sumagot pero,

"may itatanong po ako, kailan pa po siya- . Kailan pa yun nangyari sa kanya? "

hindi ko kaya. Ayokong sabihing wala ka na.

("Nung nakaraang araw pa. Car accident daw pero wala yung u-ulo niya. ")

pugot? Din? Bakit lahat sila, walang ulo? Yung studyante, yung mga tsismosa, at si eren, lahat sila, namatay ng walang ulo. Teka, bago mamatay yung studyante nakita ko yung blackghost sa kanya. Bago ako umalis ng palengke nun sa lugar nung mga tsismosa, nakita ko rin yung blackghost. At nung nasa sasakyan ako ni eren, nakita ko rin yung ghost. Yung Killer ghost.
--------------------------------------------------------------

1 week na. Nagkulong nanaman ako sa bahay. Sa bahay, walang multo. Walang mamamatay dahil sakin. Wala nga ba?

"Meoww! "

"ay pusang gala! "

Nagulat ako dun ah. Si meow lang pala. Kinuha ko siya at hinug. Bigay siya sakin ni lola noon. Si meow lang ang kasama ko. Kaso layas. Meow ang pinangalan ko sa kanya noon,tutal yun ang unang word na narinig ko sa kanya. Natural! Pusa yan eh! Lumapit siya sa phone ko. Na open niya yung screen.

"Meowww"

Oo. Meow. Ang nasa picture na yan ay ang daddy mo. Sana.. Eren. Di sinasadyang nalaglag ni meow yung phone ko.

"Meow! Bakit mo nilaglag! Ang likot mo kasi! "

nagalit ako sa kanya. Kaya nasigawan ko siya. Umalis agad siya sa kwarto ko, dumaan siya dun sa Bintana. Pero pagsilip ko sa bintana, nakita ko yung killerghost. Mukang may ibigsabihin nanaman toh. Si meow! Kumaripas ako ng takbo pababa para siguraduhing ligtas si meow, pero wala siya dun.

"Meow! Swswsws! "

Sinubukan ko siyang tawagin pero wala talaga. Yung killer ghost, wala na rin. Bumalik ako sa kwarto ko, nagbabaka-sakaling bumalik dun si meow, pero huli na ko. Nakita ko na lang siyang walang ulo sa tabi ng kama ko. Naiyak na lang ako at napasigaw.

"BAKIT? BAKIT LAHAT NG MAHAL KO KINUKUHA MO! "

nakita ko sa salamin yung killer ghost. Nakangisi sakin at duguan. Binato ko yung salamin gamit ang phone Kong sira. Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

"Hahanapin kita. Papatayin kita. "

sabi ko sa sarili ko pero ang totoo, para yun sa killer ghost.

Killer ghost's pov

"Wala kang naiintindihan. Jailyn. Hindi ako ang may sala! Hindi ako ang Mali! Ikaw. Ikaw Jailyn! Ikaw ang demonyo! Hahaahahaaaa!!! "

into the gardengraveWhere stories live. Discover now