Part 5: the truth

6 3 2
                                    


Pagkamuhi. Pagkasuklam. Pandidiri.
Bakit ako pa? Hindi ko yun kayang gawin. Iniikot lang siguro ng multong toh ang isip ko.

" bakit? Iniisip mo, ba na ako? Na, hindi ikaw ang may gawa non sa kanila? Alalahanin mo, ikaw ang pumatay sa kanilang lahat. IKAW! Sumama ka na lang sakin.anak."

"TUMIGIL KA NA! Ayokong makinig sa mga kasinungalingan mo! "

" aminin mo na, naaala mo na diba? "

Ang alin?

BACK THEN
-------------------
"Lola! Bakit ba ayaw mo Kong sagutin! Hindi ito kapangyarihan di ba? "

"Apo, totoo ang sinabi ko. Hi-"

Hindi ko na pinatapos ang Sasabihin  niya. Pinukpok ko siya sa ulo ng malakas. Pagkabagsak niya sa lupa nakita ko si mama Nakangiti. At nginitian ko rin siya. Hinila ko si lola papuntang garden. Naalim-pungatan siya.

"Apo, tandaan mo, regalo ang natanggap mo at hindi pasanin. Mahal kita a-apo. "

Halos pabulong na lang niyang nasabi yun dahil sa kasalukuyan ay tinatalian ko ang leeg niya. Matapos nun ay isinabit ko yung kabilang dulo nung tali sa puno. Pinatungtong si lola sa upuan. At sumunod siya.
Tapos madali kong sinipa ang upuan.

"Ma-mahal ki-ta. Apo. "

Yan ang mga huling katagang sinabi niya. Habang ako naman ay pinapanuod siyang malagutan ng hininga. Ewan pero tumutulo ang luha ko. Nakita ko si mama na papalapit sakin. Niyakap niya ko at may ibinulong siya sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya. Ibinaba ko si lola mula sa puno at tinanggal ang tali sa kanyang leeg. Kumuha ako ng gulok at itinarak yun sa kanyang leeg. Pinagpatuloy ko yun hanggang mahiwalay ang kanyang ulo mula sa kanyang katawan. Naghukay ako sa garden at duon ibinaon ang ulo ni lola.

NOW
--------
"Naaalala mo na ba? "

"Pero bakit? "

"Dahil sa galit. Galit ka sa lola mo. Galit ka sa lahat ng pinatay mo! "

Ano? Ba-bakit ko n-naman y-yun ga-gagawin?

"Si Eren, hindi ako galit sa kanya! Mahal ko siya! Hindi ko siya mapapatay! "

Tumulo na ang luha sa mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Totoo. Minahal ko si Eren sa sandaling panahong magkasama kami. Kaya hindi ko sa kanya magagawa yun.

"Bakit hindi ikaw ang umalam ng katotohanan, anak. "

Tumawa siya ng napakalakas. Tuwang-tuwa siya sa tuwing makikita niya Kong naguguluhan. Gulong -gulo.

Unti-unti kong naaalala ang lahat.

Nung gabing inihatid ako ni Eren sa bahay, sa loob ng sasakyan niya may itinanong siya sakin.

"Ahmmm.. Jailyn, pwedeng mag tanong? "

sabi niya.

"Hmm. Ano yun? "

sabi ko.

"Yung multo dun sa school, ginugulo ka parin ba niya? "

tanong niya.
Tumingin ako sa back seat, at paglingon ko nakita ko si mama. May ibinulong siya sa kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

into the gardengraveWhere stories live. Discover now