Chapter 2: Groupings

11 0 0
                                    

Justin Klyde’s POV

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ko kinaibigan ang damuhong Dylan na yun! Jusko sangkatutak na funny reactions ang nakuha ko sa tinag niyang picture sa akin. Ako lang naman yun in my precious NGANGA post. May caption pang “Kasya ba Titanic dito? Any comment guys?” oh diba ang saya! Badtrip na yun! Buti nalang di pa kame friends ng crush ko! Dahil pag nakita  niya yun nakakahiya!!! Hinide ko nalang para di makita. Hay nakakasira ng araw! Inhale! Exhale!

Andito ako ngayon  sa may soccer field. Nagbabakasakali na dumaan ang prince charming ng buhay ko.

“Huy!”

“Ay kabayo ka!” sabi ko. Peste si Dylan lang pala.

“Hindi ah! Si Dylan lang to. Ang bestfriend mong ubod ng gwapo.” Binatukan ko nga.

“Para saan yun?!” reklamo niya.

“Para saan? Eh kung itampal ko tong cellphone ko sa mukha mo ng malaman mo!” saka niya nakita yung post niya. Aba ang gago tawang tawa na naman.

“Oh ang ganda naman ng kuha ko jan ah. Malinaw. Galing ko talaga no?”

“Oo sobra! Gusto na nga kitang tadyakan ngayon.” Inis kong sabi.

“To naman yan lang! eh yung kinunan mo nga ako dun sa birthday ni Mama na sumayaw akong lasing may narinig ka ba sa akin?” Luh? Throwback? Pero natawa ako.

“Eh ang sarap mo pagtripan nun eh may sinasabi ka pang “Anya mahal na mahal kita! Iuuwi na kita bukas ako na boyfriend—.”

“shh!!!! Ang ingay mo ginagaya mo pa itsura ko mamaya may makakita sayo!” saway niya.

“sus! Ano naman! Saka tayo tayo… SHIT!!!!!”

“Shit ka din!” sagot ng ungas.
“Gago anjan yung crush ko!!!! King ina Dylan mamatay na ako dito!!!” pagpipigil ko ng tili and everything. Kalma bakla. Kalma.

“Ako pinapatay mo tanga! Ang sakit ng kurot mo!” reklamo niya. Then nakalagpas na siya kasama ang mga barkada niya.

“OMG bestfriend ang gwapo talaga niya!” sabi ko.

“Sus. Mas gwapo naman ako jan.” inirapan ko nga.

“Hindi ah! Tignan mo naman chinito! Tapos ang gwapo niya tapos ang gwapo niya ulit basta gwapo siya!!!!” totoo naman talaga! Bonus pa gusto ko nakasalamin! The fuck!

“Ewan ko sayo hindi ka naman pinansin! HAHAHAHA.” Saka siya tumayo.

“Syempre di pa kame friends! Pogi talaga ng Kasoy ko!” Kasoy tawag ko sa kanya kase lagi ko siyang nakikitang kumakain nun.

“Sige lang drool over your Kasoy tutal late ka na sa klase mo.” O___O
“Hala!!!!! Anong oras na ba?” shit! 11am na! 10:30 klase ko dun! Ang layo pa naman ng room namin!

“ba’t di mo agad sinabi!!!” sabi ko saka tumakbo.

“ABA AKO PA SINISI MO! AYUS KA AH!” sigaw niya. Bahala ka jan! mamaya na tayo magtutuos!

***

Pagkadating ko sa room naglelecture na yung baklita kong Prof. Hindi ko tuloy alam kung papasok ako. Kaso importante yung nilelecture niya! Hay nako bahala na nga.

“Good mor--.”
“Why are you late Mr. Ocampo?” pagputol niya sa sinabi ko.

“Ah kase po…”

“Nako sir inantay kase niya ako sa may canteen kanina. Sorry na babe.” Singit naman netong si Paul. Then everybody scream. Yung mga iba kinikilig yung iba nagbubulungan tapos nakatingin ng masama. Mga hayop!

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon