Chapter 3: Dylan meets Paul

8 0 0
                                    

Dylan Rafael's POV

"Pre anong sagot mo sa 5?" Tanong ng katabi kong si Chad. Tropa ko. Kasalukuyan kase kameng nagkuquiz sa Fluid Machinery. Isa sa mga mahirap na subject sa course namin pero kung aaraling mabuti kaya naman.

"2230 rpm. Letter C." Bulong ko.

"Yown. Salamat pre." Tumango lang ako at binalikan ang sinasagutan kong papel.

Bago pa man mag time ay natapos ko na yung quiz. Yung iba hinulaan ko nalang since medyo hirap na din ako. Naisipan ko munang tumingin sa labas ng room since tapat lang nito yung open field ng Universty. At kung sinswerte ka nga naman ay makakakita ka ng isang anghel. Yep, yung babae sa coffee shop.

"Grabe ang ganda mo talaga." Bulong ko. Sakto namang napalingon siya sa direksyon ng room namin. Nagtama ang mga tingin namin. Parehas kameng shocked pero siya ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano pero ang saya ko lang!

"Huy Dylan pasa na daw papel!"

"Ha? Ah eh eto eto abot mo na." Taranta kong sabi. Pagkalingon ko ulit sa field wala na siya.

"Ikaw talaga panira ka. Dapat kinuha mo nalang sa upuan ko yung papel ko nawala tuloy sa paningin ko yung baby ko." Sabay konyat ko kay Chad.

"Aba eh kung sipain kaya kita? Buti nga tinawag pa kita eh di sana zero ka. Makikita mo din yun bukas. Kain na tayo nagugutom na ako."

"Sus. Lagi ka namang gutom. Mauna ka na. 10:30 palang oh." Sagot ko.

"Gege. Mamaya nalang ulit." Paalam niya. Tinanguhan ko lang siya saka inayos mga gamit ko. Hindi ko pa din maalis mga ngiti ko. Hay ang sarap mabuhay.

Dumaan muna akong cafeteria para bumili ng Chuckie netong si Justin B bago pumunta sa room nila. Kahapon pa daw siya naglalaway dun. Inaway pa ata si Tita kase nakalimutan siyang bilhan nung naggrocery. Hays.

Pagdating ko sa room nila busy siyang nakikipagdaldalan sa katabi niya. Sumulyap ako sa may pintuan. Di pa rin ako napansin. Saka niya lang ako nakita nung nagbulungan at nagtitilian mga kaklase niyang babae. Sobrang pogi ko ba? Hahahaha. Nakapokerface lang siyang nakatingin sa akin habang inaayos yung eye glasses niya.

"Di mo naman sinabi na sikat pala ako sa room niyo." Bungad ko. Inirapan lang ako.

"Asan chuckie ko?" Sabay lahad niya ng kamay niya.

"Ay nakalimutan ko."pang aasar ko.
"Ano ba yan! Umalis ka na!" Sabay talikod sa akin pabalik sa upuan niya. Hinablot ko naman agad kamay niya. OA kase to magtampo. Minsan di ako kinakausap ng 1 week.

"To naman niloloko ka lang eh. Oh." Napangiti naman siya nung nakita niya yung chuckie niya.

"Sus. Isip bata." Bulong ko.

"Anong sabi mo?!" Saka niya isinaksak yung straw sa chuckie niya ng di nakatingin.

"Wala! May narinig ka ba? Tamang hinala ka." Lakas talaga ng pandinig neto. Palibhasa malaki tenga.

"Akala ko may sinasabi ka eh." Sabay upo niya. Nakiupo na din ako sa may bakanteng upuan sa tabi niya. Free time din kase nila kaya baka yung ibang kaklase niya ay nag early lunch na din.

"Wala man lang akong natanggap na pasasalamat." Sabi ko.

"Ay oo nga no. Thank you!!!"

"Ay ayoko ng thank you."

"Ang arte naman neto ano gusto mo?"

"Kiss." Sabay turo ko sa cheeks ko.

"Pakyu. Tigilan mo ako Dylan Rafael." Asar talo talaga to lagi. Natawa nalang din ako sa sinagot niya.

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon