Chapter 23: Fourteenth of February

10 0 0
                                    

Paul Adrian's POV

I really don't know what to feel right now. Kabado na excited. Andito kase ako ngayon sa tapat ng bahay ng Babe ko. Ilang beses naman na akong dumadalaw sa kanya but it always feel like it's my first time.

"Papasok ka ba o titigan mo lang yang doorbell?" nagulat naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

"Tito! A-andyan po pala kayo. Good morning po."

"Good morning din. Sige na magdoorbell ka na at mainit dito sa labas at mabigat bigat din tong pinamalengke ko."

Agad ko namang pinindot ang doorbell. 

"Hindi niyo po ba kasama si Tita mamalengke?"

"Mahabang kwento basta natalo ako sa pustahan kagabe." Bahagya naman akong natawa sa isinagot ni Tito. They still do that kahit matanda na sila.

"Oh Paul ang aga mo ata iho para dumalaw?" ang sulpot ni Tita.

"Good morning po. May lakad po kase kame ni Justin. Susunduin ko lang po sana siya." agad naman nagpalipat lipat ng tingin sina Tito at Tita. Maya maya pa binuksan na ni Tita ang gate at pinapasok kame sa loob ng bahay.

"So Paul, saan tong lakad na ito at bihis na bihis ka talaga?" pagtatanong ni Tito.

"Uhm, kase po Tito-"

"Ay alam ko na Papa. Valentines kase ngayon. Hindi mo pa nga ako binabati. Hmmp!" sagot ni Tita saka dumiretsi sa sink.

"Talaga ba? Naku, nagiging ulyanin na talaga ako. Sorry na Ma, Happy Valentines!"

"Ewan ko sayo. Maghiwa ka ng karne dito." ang cute ni Tita magtampo.

"Nako yare nagtampo na. Hirap pa naman suyuin ng Tita mo." napakamot nalang sa ulo si Tito sa naging reaksyon ni Tita.

"Nga pala, kung may lakad kayo bakit di pa gising yung isasama mo?"

"Baka po nag iimpake na."

"Oh bakit mag iimpake? Saan ba lakad niyo?"

"Hindi po ba nabanggit ni Justin sa inyo?" umiling lang si Tito bilang sagot.

"Sa Monday po kase wala kaming pasok. Eh since weekends po naisipan po naming magkakaibigan na pumunta po sa beach. Sa may Batangas lang po."

"Nako parang di ako payag dyan."

"PO?" Bigla naman akong kinabahan. Mauudlot pa ata mga magagandang plano ko.

"Joke lang. Basta mag iingat kayo. Sige na puntahan  mo na sa taas yung batang yun baka mamaya tulog pa."

"Sige po Tito. Thanks!" agad naman akong dumiretso sa kwarto ni Justin.

---

"Good morning Babe." saka ko siya tinapik tapik. 

Tama nga si Tito. Tulog pa yung asawa ko. Hays.

"Babe gising na." bahagya naman siya nag iba ng pwesto pero bumalik pa din sa pagkakatulog. Ang hirap namang gisingin neto. Hmmm, lemme try this.

Bahagya ko namang nilapit yung mukha ko sa bandang tenga niya.

"Babe time to wake up." 

"Hmm? 5 more minutes please." 

"Get up now before I do something else on you." Saka ko dinikit yung tip ng ilong ko sa tenga niya. Agad naman siyang napabangon.

"P-Paul? Bakit andito ka sa kwarto ko?!"

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon