Chapter 18: Quondam Counterpart

8 0 0
                                    

Dylan Rafael's POV

Kung may nagiging adik dahil sa marijuana at shabu etong kasama ko eh adik na adik sa chuckie. Biruin niyo wala pang 9 am andito na kame sa pinto ng supermarket ng pinakamapalit na SM sa village namin.

"Grabe ba't tayo palang andito?" ang takang tanong ni Justin.

"Wow, nagtanong ka pa talaga no? Tin 8:17 AM palang andito na tayo." 

"Ano ka ba mas maaga, the better! Di mo ba alam yun?"

"Look who's talking. Ang sabihin mo maaga ka lang gumising dahil bibili tayo ng paborito mong chuckie."

"You can say that." saka natawa. Abnormal. "Teka nga bakit ka ba nakasimangot dyan? Ang ganda ganda ng araw eh."

"Puyat akong bansot ka tapos binulabog mo ako sa pagkakatulog ko!" Irita kong sabi sa kanya.

"Oh ngayon pakealam ko? Kung hindi mo kase nakalimutan na bilhan ako after ng birthday ko eh di hindi ka naabala ng ganito. It's all your fault dude."

"OA ka kamo. Isang araw lang lumipas? Uhaw na uhaw ka na ba sa Chuckie?"

"Dylan Rafael, kilalang kilala na kita. Kunwaring lilipas ang isang araw hanggang sa makalimutan mo na. Wag ako please. Ngayon, ayus ayusin mo yang pagmumukha mong nakasimangot kung ayaw mong ako ang umayos niyan. Okay?" saka niya ako nginititan.

"Bwisit." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Lingon niya agad. Umiling nalang ako. Lakas ng pandinig pucha. Laki kase ng tenga.

Makalipas ang ilang minuto eh bumukas na rin ang supermarket. Yung kasama ko di na nakaantay at ayun nagtatatalon papunta sa stock ng mga  chuckie dala dala ang basket. Parang bata.

"Huy Dylan! Hindi kasya yung limang karton dito sa basket kuha mo nga akong pushcart dun."

"Hay nako ang boplaks mo kase hindi mo muna inestimate kung magkakasya ba talaga dyan yung bibilhin mo bago mo kinuha yang basket." inis kong sabi sa kanya.

"Nanenermon ka pa eh kung ikuha mo nalang ako diba? Dali na baka maubusan ako dito. Nakita ko yung mag nanay dun oh nakatingin dito baka bilhin lahat ng andito."

"Nakatingin sila sayo kase limang karton ba naman yang hawak hawak mo. Timawa."

"Bilis na andami pang sinasabi!" Agad ko naman ng sinunod yung utos ng 'boss' ko. 

Pagkakuha ko ng cart eh agad na akong bumalik kung nasaan si Justin. Aba ang loko nakapamewang pa.

"Antagal mo. Sabi sayo eh puntirya nila ate yung chuckie! Buti nalang hinarangan ko yung mga nakuha ko na."

"Sus. Akala ko naman kung ano na. Lika na bayaran na natin yan ng makauwi na tayo."

Ang akala ko naman yung chuckie lang ang babayaran ko. Turned out na may palihim na pinagkukuha tong surot na to.

"Bahala ka dyan bayaran mo mag isa yan. Ang usapan lang natin chuckie tapos para kang namalengke sa dami ng kinuha mo."

"Dali na bayaran mo muna. Wala kase akong dalang pera ngayon. Babayaran ko naman pag uwi!"

"Babayaran daw. Wag din ako."

"Grabe ka naman! Parang di naman tayo magkaibigan!"

"Magkaibigan nga tayo pero hindi mo ako mauuto. Yung huling pinabayaran mo sa akin na pagkain hindi mo binayaran. I already learned my lesson."

"Sobra naman to. Sige na nga wag na. Ibabalik ko nalang to." saka siya tumalikod pabalik sa area na pinagkuhaan niya ng mga pagkain niya.

Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga nakakunot noo at masasamang tingin mula sa mga taong nakapila sa likod ko.

Just Be FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon