*:・゚✧ Chapter 32 *:・゚✧

601 15 0
                                    



"Are you done?" I asked Danik while tying my shoe lace. Tumayo ako at humarap sa kaniya ng matapos. He look grumpy with his pouty lips. Napangiti ako, I will sure miss him.

"C'mon dude, baka hindi kana talaga makaalis niyan." Pangangasar ni Miles at tinapik na si Danik sa likod.

Nauna na sila Tita sa America with Dana and Uncle, si Danik nalang ang natitira dahil sa pag mamatigas neto but I'm glad na pumayag nadin siya. I don't want him to choose me over his family, ayokong maging makasarili kami.

Miles will drive for us papuntang airport and Mina is joining us too. Lumapit ako kay Danik at niyakap siya. "Video call and chat exist, you know." Sabi ko dito upang hindi na siya mag dalawang isip na umalis.

"But it is still different than seeing you in person." He said then tugged my wrist so he can hug me. Napapikit ako sa pakiramdam ng yakap niya. Wrapped around his arms will always be my favorite thing in the world.

"I love you." I whisper, bahagya naman siyang humiwalay sa akin at hinawakan ang mukha ko gamit ang magkabila niyang kamay.

"I love you so much Koko." Ani Danik bago ako ginawadan ng mariin at mainit na halik, not minding if everyone can see us, I returned the kisses. This is so different from the kisses that we usually share, this time, we're both savoring it, dahil we both know na matatagalan pa uli ang pag kikita namin.

"Next week na ang operation ni Dad and Mom's very paranoid about it." He chuckled. Napangiti ako sa bawat kwento niya sa akin, inayos ko ang angulo ko sa front camera ng phone ko habang nakahiga ako sa kama. He looks tired, and I know that he is. Mag dadalawang linggo pa lamang simula ng umalis silang pamilya but they become so busy pagka punta pa lamang nila doon.

Inaasikaso ni Danik ang pag transfer niya sa isang university sa America and so does their business dahil siya lamang ang maaasahan doon ngayon, though, Daddy is helping him time to time and guiding him. Tita Daniella is also busy and taking care of things for Uncle's operation. Naging busy ang buong pamilya nila sa pag aasikaso sa business at kalayagan ni Uncle Danillo, the operation will be very sensitive and while waiting for it, madaming medicines na pinapainom kay Uncle pero kita ang mga nagiging side effects nito sa kaniya. Mom and dad are also helping them kaya doble ang gawain nila ngayon. I also want to be useful pero sa ngayon ay ang nagagawa ko lang ay pagaangin ang loob nila, I'm still useless right now becuse I don't have the knowledge, kaya naman ay mas pinag iigihan ko din sa pag aaral ngayon.

"How's your day?" Tanong ni Miles ng makasakay na agad ako sa kaniyang sasakyan. Siya ang sumusundo sa akin minsan, pag nag rerequest si Mina na kumain or mamasyal sa labas.

"Next week na daw yung Christmas break so we have to submit our research paper bago pa mag bakasyon, gosh!" Kinuha ko ang phone ko to see if Danik has a message pero nabigo ng wala akong nakita. I hope he's doing well.

"By the way, where's Mina?" Tanong ko dito habang siya naman ay nakatitig lang sa kalsada, sinulyapan niya ako saglit at ngumiti.

"Kitain nalang daw natin siya sa mall." Simpleng sabi nito.

Ang alam ko ay nasa Vet ngayon si Mina upang ipatingin yung kuting na nilagtas niya nung nakaraan dahil matamlay daw ito at hindi kumakain masiyado these past few days.

Napahagalpak ako ng tawa ng makita ang itsura ni Miles habang dala dala ang pastel pink ko na bag, imbis na mabawasan ang pogi points niya ay mas lalo pa siyang pumopogi sa itsura niya. Inirapan naman niya ako dahil doon pero ngumiti din. Papunta kami ngayon sa Vet kung nasaan si Mina at bigla ko nalang binato sa kaniya ang bag ko kaya no choice siya kundi bitbitin ito.

"Wala ka bang girlfriend?" Tanong ko out of nowhere, napaisip lang ako dahil wala pa akong nakikitang umaaligid sa kaniya na babae sa itsura niya nayan.

"Bakit? Hahanapan mo ba ako?" Lumingon siya sa akin at itinaas baba niya ang kilay niya sa akin. Napatawa naman ako.

"Gusto mo ba? I can set you on a date with someone!" I suggest.

"No thanks, kakagaling ko lang sa heart break, ayoko muna ng ganiyan." Agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, I walk fast so I can cope up with him.

"Oh my god! You're broken hearted? Seryoso?" Hindi makapaniwala ko na sabi dito na sinuklian niya ng irap. Oh gosh! Hindi ko to alam ah.

"Change topic please." Masungit na sabi nito. I laugh because of that.

"Wow, someone's bitter." Pangangasar ko dito at madramang nagpakawala ng hangin.

Nakarating kami sa vet na sinasabi ni Miles kanina at natanaw ko agad si Mina na nag hihintay na sa amin at karga karga iyong kuting.

"Ate Koko!" She shouted from afar ng matanaw kami, natawa naman ako ng nakitang lumingon ang ibang tao sa amin at kay Mina. Narinig ko naman ang pag click ng dila ni Miles at umiling iling.

"Ang kulit talaga."

We spent the day eating and chatting as usual. Natutuwa ako sa dalawang magkapatid especially pag nag sisimula na silang mag asaran. I never had a sibling so being with them makes me feel having one. I'm very comfortable around them and I'm really glad to have them around. They always keep me company everytime since hindi na kami nakakalabas masyado nila David because of school works. Mina will always ask us out. Madalas ay kumakain lang kami sa labas, minsan naman ay movie marathon lang kami sa bahay.

Nawala ang atensyon namin sa pinag uusapan ng may lumapit sa amin na babae. We both directed our attention to her. Medyo natulala pa ako dahil sa nakita ko. She look heavenly or an angel rather. Mukha siyang mahinhin because of her very pale skin and deep set of black eyes that lets out a soft gaze and to add up her black wavy hair that makes her seem like an angel in disguise. She's kinda tall and she look even more innocent with her pouty red lips, aside from that ay pansin ko din ang pagka payat nito. She's slender, almost like a model, and aside from that, I also noticed the guitar bag that she have with her. It looks heavy especially with her thin body.

"Hoy!" Bigla niyang sigaw. I was taken back by how loud her voice but soft at the same time, agad naman niyang itinuro ang lalake sa tabi ko. Gulat na tumingin ako kay Miles.

"Ikaw yung siraulong na kumukuha ng litrato sa legs ko!" She hissed once again.

"Excuse me, a-ako?" Naguguluhan na tanong ni Miles.

"Oo gago! Kala mo nakalimutan ko na yung mukha mo! Manyak!"

Napatingin ako sa paligid to see everyone's focus is on our table. Namumukod tangi ang boses ng babae habang paulit ulit na minumura si Miles at kami naman ay halos hindi makapag salita dahil sa gulat. Tumayo bigla si Miles sa tabi ko at agad hinila ang babae palabas na hanggang ngayon ay sinisigawan padin siya, leaving me and Mina dumbfounded.

Sinabi ko ba na mukha siyang mahinhin?

Koko ➳ Kang Daniel [r18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon