Panibagong araw, panibagong pagkakataon na tumanaw.
Mga matang hindi na napagod na sumilay sa iyong ngiting sa iba na nga ibibigay, ako pa ay napukaw.
Hindi pa ba ako nasanay? Pagkat ang puso mo, sa akin ay ayaw.
Ayaw kumapit sa mga kamay kong handa na sigurong bumitaw.
Ayaw lumapit sa loob kong matagal nang nag-paraya, handa nang dumistansya at lumaya.
Ngunit bakit ibang parte sa aki'y naghihintay pa rin, malabong ako'y habulin, baka madapa't sisihin ang tulin ng pag-alis kong hindi binigyang pansin.
Kaya't ito lang ang aking bilin, ang nakalaan lamang sa iyo ang habulin.. huwag ako, 'wag ikaw na hindi ko, kailan man makakapiling.
-kara
YOU ARE READING
"Bleeding But Beating"
PoésiePoems, Prose, Thoughts that may capture your hearts. It may bleed but the important thing is, it still beats. Find yourself, love and let go if needed, see your smile instead.