OSMP - Chapter 2

265 14 0
                                    

Food Court

Nandito na kami sa food court nakaupo. Nag-order kami ng foods, parang manonood lang ng broken-hearted movie ano? Eh magkwekwento lang naman ako sa nararamdaman ko ngayon.

T_T

Buset!

"Spill it out. We will listen" sabi ni Psalm

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Haist! Nagsisikip kasi yung dibdib ko.

"Noong isang araw, nakipagkita sakin si..."

"Si ano?" Jai

"Pwede bang tumahimik ka muna Jai? Wag mong e'interrupt si Ash" Joan

Akala ko nga makikipagdebatehan pa si Jai kay Joan, hindi naman pala.

"Nakipagkita sakin si Daniel, excited pa nga ako nun eh. Monthsary kasi namin kaya todo ayos ako. Nagkita kami sa isang park, pagdating ko. Nandoon na siya,

FLASHBACK

"Hi Honey! Kanina ka pa?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Nandito kami sa bench ng park. Marami akong nakikita na magkasintahan na masaya, may kinikilig at ang sweet sa kanyang kanyang partner. Napangiti ako kasi isa kami sa mga magkasintahan na masaya ngayon dito sa Park.

"Hindi naman" Daniel

Oo nga pala. Daniel Fajardo ang name ng boyfriend ko, ang first boyfriend ko. Varsity player siya ng Volleyball sa school namin pero hindi siya ang Captain, pero para sakin, siya ang Captain ng team.

"Oo nga pala Honey, Happy 3rd monthsary!" masiglang sabi ko at hinalikan siya sa cheeks. Kinuha ko ang regalo ko sa bag at binigay sa kanya.

Napangiti ako ng tinanggap niya pero ni hindi niya lang naman binuksan. Hindi naman siya dating ganito ah at ni hindi man lang ako binati pabalik?

"May problema ba Hon?"

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Ash" sabi niya. Tinawag niya ko sa pangalan ko, ibig sabihin may problema.

"I'm sorry. I'm breaking up with you"

BOOM SAKIT!

Parang sumabog ang puso ko sa sinabi niya.

"T-teka... B-bakit ka nakikipagbreak? May ginawa ba kong masama na hindi mo nagustohan?" sabi ko na parang papaiyak na

"Wala naman Ash, but I want to be honest with you. I don't want to hurt you, I-"

Pinutol ko ang sinabi niya,

"You don't want to hurt me?! Then, you're hurting me now Daniel! Ano ba ang ginawa kong mali? Wala naman akong pagkukulang sa'yo ah" sabi ko na umiiyak

"I know I'm hurting you now Ash, ayoko lang na ipagpatuloy ang relasyon natin na hindi kita mahal"

".....hindi kita mahal"

 

".....hindi kita mahal"

 

".....hindi kita mahal"

 

".....hindi kita mahal"

 

".....hindi kita mahal"

Pabalik-balik yan sa isip ko.

Natahimik kaming pareho, iyak lang ako ng iyak. Di ko alam ang sasabihin ko, ang alam ko lang, sasabog ang puso ko nang dahil sa sobrang sakit.

"Ash" sabi niya

"M-may iba ka na ba?" mahinang sabi ko. Di ko alam kung saan ko nahugot ang tanong na yun.

Mahina siyang tumango.

"S-sino?"

Sh*t! May iba na pala siyang mahal. Sobrang tanga ko! T______T

"Di na importante yun Ash"

Bigla naman nag-init ang ulo ko sa sinabi niya,

"Is it not important? Come on! Makikipaghiwalay ka sakin ng dahil sa kanya pero hindi importante?! Gago ka pala eh!"

O________O

Nagulat siya sa pagmura ako.

"Did you say a bad word?" Daniel

"Are you deaf?" Pinahiran ko ang luha ko at tumayo. Kahit na masakit, tatanggapin ko na lang. Kailangan kong makalayo dito, pinagtitinginan na pala kami.

"Where are you going?" tanong niya.

“Why? Do you have right to know if where I am going Daniel? As far as I know, we broke up a while ago. Goodbye Gago!"

At umalis na ko.

End of FLASHBACK

"Aba! Gago yun ah!" sigaw ni Psalm at tumayo. Napatingin naman ako sa paligid at marami na palang tumitingin samin.

"Psalm! Ano ka ba? Umupo ka nga!" Jai

Haist! T___T Masakit pa rin ang ginawa niya sakin.

"Ash, ang maipapayo ko lang sa'yo magmove on ka na. Dapat sa kanya eh kinakalimutan na. Sobra ka ng nasaktan tapos siya masaya sa piling ng iba? Aba! Unfair yun!"Joan

"Oo nga Ash. Please, don’t waste your time to someone who doesn’t know your worth” Psalm

Sana ganun lang kabilis magmove on. Masyado ko siyang minahal.

“CR muna ako” paalam ko sa kanila at umalis.

*****

A/N: Okay lang po na Chapter na 'to? Hehe. Naisulat ko po 'to kasi bh ako :(

Cheeve101

Edited ;)

One Shot for My Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon