Kabanata 4

23 3 0
                                    


Hero

Malalaki ang aking mga hakbang habang naglalakad patungo sa aming bahay. Nakabusangot ang aking mukha dahil sa nararamdamang inis.

Iniisip ko pa kasi 'yung sinabi nung lalaki.

Binuksan ko ang bakal na tarangkahan ng aming bahay at dire-deritsong nagtungo sa pintuan. Bubuksan ko na sana ito nang bigla itong bumukas at iniluwa niyon si Mama.

Nagulat ako lalo nang tinaasan niya ako ng kilay. "Sa'n ka ba nanggaling at bakit ang tagal mong nakauwi?" mapanuri nitong tanong.

Nagmano muna ako saka yumuko. "Ahh, pasensya na po Ma, naghintay pa po kasi ako ng traysikel kaso wala pong dumating kaya naglakad nalang po ako." sabi ko. Half-truth nga lang.

Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya. Nalagutan ako ng hininga nang makitang mataray niya akong tiningnan. "Ang sabihin mo, tumatakas ka lang sa gawaing bahay dito! Nagdadahilan ka lang eh!" utas n'ya tapos tinulak ako papasok sa loob.

Umiling ako. "H-hindi po. Hindi po, Ma." tanggi ko kasi hindi naman iyon totoo!

Wala akong tinatakasang gawain dito sa bahay! Kung meron man, ang ugali nila ang tatakasan ko! "Ma-magluluto naman po ako eh---"

"Magluluto ka naman talaga! Bilisan mo dahil nagugutom na ako!" pagputol niya.

Tumango lamang ako saka tinalikuran na s'ya para makapuntang kusina.

Suot-suot pa ang uniporme'y nagsaing na lamang ako at nagluto ng ulam.

Nagpiprito na ako ng cornbeef na may itlog nang pumasok bigla si mama sa kusina. Nakapameywang s'yang humarap saakin. "Nasaan si Ricablanca?" galit niyang tanong.

Taka ko s'yang binalingan. "H-hindi ko po alam. A-akala ko po ba nakauwi na s'ya?" saan naman 'yun nagpunta?

Napakagat-labi ako nang maalala na may kaaway pala s'ya kanina sa school at hindi dapat ito maaaring malaman ni Mama! Baka nakipag-away na naman 'yon?

"Hindi pa s'ya umuwi! Ano bang oras ang uwi nila?" tanong nito.

"K-kanina pa po." nauutal kong sagot. Bakit ba ako nauutal? Naku! Baka mahalata niyang may itinatago ako!

Napakunot noo naman s'ya. Wrinkles are now forming on his forehead but she's still look pretty until now.

Masyadong matangos ang ilong ni mama, may magagandang mata at makapal ang mga piluka. Her eyebrows are not as thick as mine, sakto lang na nababagay naman sa kanya. Makinis ang kanyang kutis at morenang-morena, ganun din si Rica.

"Anong oras?" tanong niya.

"Mga alas t-tres po ng hapon." napakagat labi ako. Baka kasi magtatanong pa s'ya ng kung anu-ano. Baka malaman n'ya ang nangyari kanina.

Nakuha ata lahat ni Rica ang features ni mama. Mula ulo hanggang paa. Halos magkamukha na nga sila at madalas silang mapagkakamalang kapatid kaysa saakin eh. Not that I look old but iba kasi ang mukha ko sa kanilang dalawa.

I have a fair skin unlike them. Matangos din ang ilong ko pero hindi masyadong kay taas ng sakanila. Natural din ang kurba ng mga piluka ko sa aking madidilim na mga mata at makakapal kong kilay. I have a red pouty lips while Rica and my mother have the thin curved lips. Natural na maitim at mahaba ang aking buhok, ang kanila naman ay maitim din pero medyo kulot.

We're totally different from each other. And I wondered about that.

"Tsk." huminga s'ya ng malalim habang ako naman ay inihahain na ang ulam sa mesa.

ABCDEFGH (A Boy Can Do Everything For Girls Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon