Kabanata 1

38 4 6
                                    


Thank you @PatroGraphixx for making my book cover! <3


Qualifier


"Miss Penelope Winterielle Rementizo! February 20, 2017 na! Malapit nang matapos ang school year, hindi ka pa ba magbabago?" salubong saakin ni Ma'am Maria, T.L.E teacher namin sa Tech. Draft., pagkapasok ko palang sa room.

Napayuko ako, "Sorry po ma'am." malungkot kong sagot.

Oo nga din naman. Buong school year akong ganito, halos araw araw late. Naalala ko 'yung minsan akong nalate noon sa pinapasukan kong paaralan sa Maynila, grade 8 ako no'n tapos pinagalitan ako ng adviser namin. Naaalala ko pa yung sinabi niya noon na, "Ba't ba lagi kang nali-late Rementizo?! Hindi na 'yan  pagiging tardy ah! Habitual na 'yan! Habitual!"

Well, I can't blame her. Kasalanan ko naman talaga. Kaya nga ako umiyak noon pagkatapos niya akong sermonan kasi kasalanan ko. Tss, ang babaw ko pala noon.

Sinulyapan ko si ma'am sa kanyang table malapit sa may bintana. Nakaangat parin ang mukha niya saakin. Nginitian niya ako't saka tumawa, "Joke lang, Miss Rementizo! Binibiro lang kita, ano ka ba? Pumasok ka na't maupo. Atleast 30 minutes ka lang late ngayon." humagikgik siya.

Wow, ang ganda naman ng joke ni Ma'am! Medyo nakaka-offend. Nakakatawa pa.

"Promise 'di ko lalagyan ng absent ang attendance mo ngayon araw." pahabol niya pa.

Anong promise? Sa panahon ngayon, mas makatotohanan pa ang joke kaysa sa promise. Mas totoo pa yung una niyang sinabi kaysa sa promise niyang hindi daw niya lalagyan ng absent ang attendance ko ngayon.

Hindi niya naman tinutupad yung promise niya eh. Surely, in the end of the quarter, andami ko nang absences sa record niya at bababa na naman ang grades ko, tss. Well, I can't blame her too.

Nginitian ko siya at tinanguan. "Sorry po talaga ma'am." tumango lamang siya bilang tugon na naiintindihan niya ako.

Umupo ako sa may bakanteng upuan sa dulo ng kabilang hanay. Medyo malayo sa grupo ng mga classmates kung nagtatawanan.

More or less 15 students lamang kami sa loob ng silid. Ang iba ay nakaupo lang at halatang nauumay, ang iba naman ay nagkwekwentuhan, nagtatawanan at nagtitilian.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sila ganoon makatili. Mukhang may pinaguusapan silang lalaki at halos maglumpasay sila sa kilig.

Reil daw ata ang pangalan. Gwapo daw.

Napangiwi ako sa tinis ng boses ni Rose nang tumili siya ulit. Halos mabingi ako sa kinauupuan ko habang hindi naman iyon alintana ni Ma'am.

Grabe! Hindi n'ya ba narinig 'yon? Masyado na bang basag ang eardrums niya para 'di magreklamo?

Napalingon ako sa katabi kong si Rea nang bigla niya akong kinalabit.

"Hi! Good Morning!"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagbati. Nung una ay nag-alinlangan pa akong gumanti sa pagbati pabalik sa kanya ngunit kalaunan ay nagsalita rin ako.

"H-Hello! M-Magandang umaga din sa'yo!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti din s'ya. "Tapos ka na ba sa plan mo?" tanong niya.

"Ah, alin do'n?"

"Yung last two na plans na gagawin natin? Diba ngayong second week ng March ang deadline no'n tapos pagkatapos no'n mag cocompile tayo tapos after ay ipapa-take tayo ng NC II?" sagot niya.

ABCDEFGH (A Boy Can Do Everything For Girls Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon