Kabanata 2

31 5 14
                                    


Stupidity

"Congratulations to... Congratulations to Miss Penelope Winterielle Rementizo!" anunsyo ni Ma'am Maria.

Pumalakpak ang mga kaklase ko at nangibabaw ang palakpak ni Rea at Patricio. Nangingiting nakatingin si Rea saakin at nag chi-cheer pa. Sumisigaw naman si Patricio ng "Yes!" sa kinatatayuan niya at mukhang masayang masaya.

Napakunot ang noo ko sa ginagawa nito. Hindi naman kami malapit sa isa't isa pero bakit s'ya ganyang maka react?

Nagulat naman ako nang tinawag ulit ni ma'am ang pangalan ko. Nawindag ako sa kinauupuan ko at gulat na napatayo. Binati n'ya ako at nginitian.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaklase ko dahil ayokong makita ang mga reaksyon nila. Sa halip na tumingin sa kanila ay iginala ko nalang ang aking paningin sa loob ng silid. Hindi ko sinasadyang mahagip ng paningin ko ang lalaking nakaupo parin sa silya.

Nagulat naman ako ng magtama ulit ang tingin namin. Siya naman ang unang nag iwas ng tingin at humalukipkip. Nakita kong saglit siyang nagsmirk.

Napalunok ako at nag iwas din ng tingin. Kumalabog na naman ang puso ko!

MariaJoseph! Ano ba naman ito?

Napakurapkurap ako at umayos sa pagkakatayo. Pinalakpakan nila ulit kaming lahat. Binati din naman kami ulit ni ma'am. "Kaya ko kayo pinili kasi kayo ang mas magagaling at mas malinis gumawa ng plan although, lahat naman kayo kahit sa mga hindi napili ay may kakayahan din namang gumawa ng mga gawaing ganito pero dahil lima lamang ang ipapatake ko sa exam, sila lamang ang napili ko." paliwanag niya. "So sana galingan n'yo at maipasa n'yo din sana ang exam. Well, may tiwala naman ako sa inyo. So goodluck na lang. Isa pa, huwag kayong masyadong ma-pressure ha? Prepare lang okay?" sabi n'ya pa.

Tumango tango naman kami at umupo na ulit. Nagbuntong hininga ako.

Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan. Mag hahanap ako ng pera.

Nawindang ako sa kinauupuan ko nang may biglang tumabi saakin. Hindi ko s'ya masyadong kilala at lalong lalo na hindi kami close. Nakakasalubong ko s'ya minsan dito sa school but we never had a long conversation before. Dati ko na s'yang kilala at kaklase pero hindi kami malapit sa isa't isa kaya nakapagtataka na tumabi s'ya saakin ngayon at iniwan n'ya pa ang mga kaibigan niya. Marami namang bakanteng upuan pero bakit sa tabi ko pa?

It's Patricio. Anong ginagawa n'ya dito?

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko.

"Bakit? Bawal ba?" taas kilay niyang tanong.

Imbis na sagutin s'ya ay hindi ko nalang pinansin. Nag angat nalang ako ng tingin kay ma'am na magsisimula na sa pagrereview.

"Okay. We're going to review the Residential Planning Considerations..." panimula ni ma'am.

Nakinig lang ako sa discussion nang kinalabit ako ni Patricio dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nasa likod ng upuan ko na pala ang kanang braso niya. Una kong nakita ay ang napakalaki niyang ngiti.

Nanliit ang mga mata ko. "Bakit?"

"Congrats." nakangisi parin s'ya. Bigla niyang inilahad ang kanyang kamay saakin. Napatingin ako do'n at nagaalangang tanggapin iyon.

But then I accept it and we shake hands. Tumango tango ako at saka awkard na binawi agad ang kamay. Salamat din naman at hindi niya iyon napansin.

Makikinig na sana ako ulit sa klase nang magsalita ulit s'ya. "Mag review kaya tayong dalawa after class or tomorrow? What do you think?" suhestiyon n'ya.

ABCDEFGH (A Boy Can Do Everything For Girls Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon