Kabanata 5

44 4 2
                                    


Lucky Fisherman


Kinaumagahan ay nagising ako alas singko ng umaga. My clock always yell at me at exact 4 o'clock pero hindi talaga ako nagigising sa oras na siniset ko.

Bumangon ako mula sa kama saka umupo. Napaungol na lamang ako nang makaramdam ako ng sakit sa ulo at bahagyang paghapdi ng aking mukha. I sighed. Pakiramdam ko ang bigat ng mukha at ng aking ulo!

Tumayo ako at tumingin sa salamin para matingnan ang aking mukha. I bit my lower lip nang makitang namamaga ang magkabilang pisngi ko! Not just my face and my cheek but also my eyes! The Hell?

Para tuloy akong kinagat ng maraming bubuyog. Buti nalang hindi masyadong namumula ang aking mukha.

Bumalik ulit ako sa kama at umupo. Ngayon, kaharap ko na ang bintana at natatanaw ko mula sa aking kinauupuan ang araw na unti-unti nang nagpapakita at handa ng magbigay ng mainit na ngiti para sa mga tao.

Its smile is wider and brighter than ever! I wish I can smile like that today.

Ngumuso ako at tumayo na lamang. Tahimik akong pumanhik palabas ng kwarto. Papasok na sana ako ng banyo nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Oh God! I hate that kind of feeling! It feels like someone's squeezing my internal organs!

"Ugh..." Oo nga pala, hindi nga pala ako kumain kagabi at heto kumakalam ang sikmura ko talaga.

God! I am so hungry I could eat a horse!

Liliko na sana akong kusina para makakain kaso dinala na ako ng sarili kong mga paa sa banyo. I badly want to eat but I badly needs to pee first before I could clean some mess If ever! I don't want to mop some drops of urine though.

Pagkatapos ko sa banyo ay agad na akong pumunta ng kusina. Inuna ko muna ang kalderong wala namang laman, tapos sunod kong tiningan ang frying pan na puro gamit na mantika lang naman ang laman.

Nang wala akong nahalughog doon ay sa lamesa naman ako nagtungo. Kinuha ko ang mga platong nakatabon sa mga mankok na sigurado akong may lamang pagkain.

Ang una kung nabuksang mankok ay naglalaman ng kaonting kanin. Yung pangalawa naman ay naglalaman ng ulam na halos kasing laki lamang ng pwet ng baso.

Yung ulam na niluto ko kagabi. Corned beef na hinaluan ng itlog.

At dahil nagugutom na ako, walang pasubaling nilantakan ko na agad ang ulam (pero syempre naghugas ako ng kamay) tapos uminom ako ng maraming tubig.

Nang medyo maayos na ang pakiramdam ko ay nagtungo na muna ako ng lababo para mailigpit ko ang mga pinggan. Napasulyap ako sa refrigerator na nasa aking gilid at may isang pirasong papel na nakadikit sa magnet doon.

Agad ko naman iyong kinuha at binasa.

'Kunin mo ang isdang binili ko kang Mang Eduardo sa dalampasigan. Maghintay ka don ng mga alas sais ng umaga. Bayad na yon. --Mama'

Sumulyap ako sa orasan na nasa sala. It's already 5:43. Kailangan ko nang pumunta don.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo tapos nagbihis ng red T-shirt na may print (hindi na ako nag abala pang basahin pa iyon) tapos nag shorts lang ako.

I checked my face again at salamat dahil hindi na siya namamaga. I don't have any bruises though, masakit at mahapdi lang siya pag nahahawakan.

I tied up my hair first into a messy bun tapos tumulak na ako patungong dalampasigan na nasa kanang banda mula saamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ABCDEFGH (A Boy Can Do Everything For Girls Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon