Prologue

7.4K 174 4
                                    

(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAngge

Sa isang malayong lugar may isang mamamayan na nasasakupan ng lahing bampira. Sa pamumuno ni Reyna Rosalia.

Ang kanyang nasasakupan ay pulos mga lahing babae bampira lamang ang naninirahan roon kaya tinawag ang lugar na iyun na 'Womanland'

Maaari lamang makapasok sa Womanland ang lalaki na maibibigan ng mga babaeng bampira sa kondisyon na magsisilang ang mga ito ng anak na babae bago payagan ni Reyna Rosalia ang mga ito manirahan sa kanyang nasasakupan.

"May naiibigan na po aking ina na gusto ko mapakasalan," untag ni Prinsesa Roisa. Ang panganay na anak ng Reyna.

"Mabuti naman kung ganun..sino,mahal kong prinsesa?" may ngiti sa labi na saad ng Reyna.

"Si Hermes,ina!"maligayang sagot ng prinsesa.

Isang pagbagsak ng kubyertos ang bumasag sa matiwasay na paghahapunan nila ng mga oras na iyun.

Sabay na napatingin sila kay Prinsesa Rebeka.

" Uh,pasensya na,dumulas lamang sa aking kamay,"pagdadahilan nito.

"Si Hermes? Isang tao?" untag ng Reyna.

Nanatili nakangiti si Prinsesa Roisa.

"Opo,ina..alam niya ang tungkol sa tunay kong katauhan at naniniwala siya sa mga tulad natin kaya naman napaibig ako sa kanya.." magiliw saad ni Prinsesa Roisa.

"Kung ganun ikaw ay umiibig hindi kita hahadlangan ngunit kailangan gawin ang aking kondisyon bago ako pumayag na ipakasal kayo at manirahan dito.." anang ng Reyna.

HALPERT TRILOGY : AQUILLES HALPERT byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon