Mula sa harapan ng wall glass ng opisina niya pinanuod niya ang dalawang tao na nasa ibabang bahagi ng gusali niya sa harapan mismo ng building.
Si Elson at ang babaeng may magandang mukha. Isang napakagandang dilag na ngayon lamang niya nakita sa buong buhay niya. Marami na siyang nakilalang babae pero ang lahat ng iyun ay wala siya nilapitan ni isa dahil ayaw niya malaman ng kahit sino ang tunay niya katauhan.
Ngunit habang nakatitig siya sa mala-tigreng mga mata ng dalaga tila hinihila siya ng mga matang iyun na angkinin ito. Lalo na ng maamoy niya ang napakabango nitong dugo. Pakiramdam niya pinag-iinit siya ng amoy niyun sa kabila ng pagiging likas na malamig na pakiramdam niya.
Naikuyom niya ang mga palad. Ngayon lamang siya niligalig ng isang babae.
Hindi niya ikakaila na maaaring mahumaling siya sa dalagang iyun.
Sanastacia Aleciano.
"Congrats! Sa wakas magkakasama ulit tayo!" tuwang-tuwa saad ni Elson ng ihatid siya nito palabas ng building.
Humalukipkip siya at nilinsikan ito ng mga mata.
"Bakit pati noong college tayo naikwento mo sa kanya?" sita niya rito.
Natutuwa man siya na natanggap na siya pero naiinis pa din siya kasi hindi dumaan sa proseso ang pagtanggap sa kanya ng may-ari. Hindi nasunod ang gusto niyang patas na labanan bilang aplikante.
Napakamot ito sa ulo. "Naikwento ko lang yun sa kanya..nadala lang ako nagpakaexcite sa muli pagkikita natin kaya..ayun,naishare ko lang,"sagot nito.
She sighed. Dapat nga magpasalamat siya rito kaysa komprotahin niya ito.
" Alrigth,nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagtulong..hindi naman ako matatanggap kung hindi dahil sayo..salamat,Elson,"matapat niyang saad.
Ngumisi ito. "Maliit na bagay!"
Napangiti siya at bigla may kung ano humahatak sa kanya na lumingon at tumingala sa mataas na building kung saan naroroon ang private office ni Aquilles Halpert.
Pakiramdam nga niya may nakatitig sa kanya. Pamilyar na titig na kanina lamang niya naramdaman.
"Ingat ka sa pag-uwi ha," pukaw nito sa kanya bago pa man siya mapalingon ng hindi niya alam kung bakit.
Inabot nito sa kanya ang helmet niya.
"Pano? Bukas na tayo magkita ulit?" anito.
Nginitian niya ito at tumango rito.
"Sige,salamat ulit," aniya at sinuot na niya ang helmet niya at sumakay na sa bigbike niya.
"Paangkas ako minsan ha? Ang cool mong tingnan! Angkas lang takot ako magdrive ng single eh,"anito habang pinapanuod siya sumakay roon.
" Sige..sa susunod,"aniya.
"Cool! Asahan ko yan!"naeexcite nitong saad kahit hindi pa man.
Binaba na niya ang salamin ng helmet niya at pinaandar na ang motor niya umikot siya at bumisina rito bago siya tuluyan umusad palayo rito.
"Ingat!!"
"Boss!"tawag sa kanya ni Elson ng makita siya nito sa first floor.
Tinanguan niya ito.
"Salamat sa pag-hired sa kanya! Hindi mo pagsisisihan na tinanggap mo siya magaling yun," anito.
"I know.." saad niya.
Nang hindi siya makatiis na tanawin ito kanina mula sa opisina niya bumaba siya para lalo niya makita ito at maramdaman ang presensya ng babae.
Namangha pa nga siya ng makita na sumakay ito sa isang big bike.
Ang sexy nito tingnan habang sakay ng motorsiklong iyun.
The sexy driver.

BINABASA MO ANG
HALPERT TRILOGY : AQUILLES HALPERT byCallmeAngge(INCOMPLETED)
Vampire#Triplets #Family #Vampire #Pag-asam #Romance #dreame