Chapter 2

4.4K 154 3
                                    

"Sanastacia,"sambit nito sa pangalan niya ng isang lalaki.

Agad na napaangat siya ng mukha sa lalaki na nasa harapan niya.

"Elson," sambit niya sa pangalan nito.

Agad ito umupo sa kaharap ng inuupuan niya.

"Pasensya na nahuli ako.." apologetic nitong saad.

Nginitian niya ito. "Ayos lang.."

"Kinausap na ko ni Boss..interview mo na bukas!" balita nito sa kanya.

Hindi naman siya ganun umaasa na maipapasok siya nito sa Security Agency na pinapasukan nito dahil kilala ang ahensyang iyun sa bansa.

Tatlong Security Agency na din ang pinasukan niya pero ang lahat ng iyun ay hindi siya nagtatagal kasi walang tiwala sa kanya. Bakit? Lagi siya naiinvolve sa mga kliyente nila na pinoprotektahan niya. Nakikipagrelasyon daw siya sa mga kliyente nila at minsan naakusahan na siyang kabit ng isang Mayor na binabantayan niya. Ang saklap lang kasi lahat ng paratang sa kanya ay nakaapekto sa trabaho niya kaya ang ending tinatanggal siya.

"Talaga?"

"Malakas kasi ako dun! Saka isa pa mabait taLaga si Boss Aquilles kaya kahit sino lumapit sa kanya tinutulungan niya," anito.

Tumango siya.

"Hihintayin kita bukas,okay?"

"Sige,salamat,Elson..hindi ko naman inaasahan na magagawa mo akong ipasok dun kaya salamat ng marami," aniya.

Ngumisi ito. "Parang wala naman tayo pinagsamahan noong kolehiyo tayo.." pagkindat nito sa kanya.

Isang ngisi din ang tinugon niya rito.

Maaga siya dumating sa opisina ng Triple A Security Agency at nauna siya ng kalahating oras kay Elson.

"Paparating na siya maya-maya lang..mabuti pa iikot muna kita sa building," anito.

"Kumpiyansa ka na matatanggap ako dito huh?"untag niya.

Tumawa ito.

" Oo naman noh,lagi ka nangunguna sa lahat ng bagay kaya matatanggap ka dito,"anito.

She sighed. "Mabuti ka pa malaki ang tiwala mo sakin kahit ngayon lang ulit tayo nagkita .." usal niya habang magkaagapay sila naglalakad sa malawak na hallway.

"Hindi pa rin ba proud sayo ang pamilya mo?"anito.

" Black sheep ang tingin nila sakin lahat noon pa lang hindi nabago yun mapasahanggang ngayon,"aniya.

"Bakit hindi na lang sila maging proud sayo? Grabe talaga sila kulang na lang itakwil kang kapamilya nila," iiling-iling nitong saad.

Naging mahusay siya sa lahat ng bagay dahil gusto niya ipagmalaki siya ng pamilya niya pero binalewala ng magulang niya ang lahat ng achievements niya mula ng pumasok siya sa kolehiyo sa gusto niyang kurso.

Ang nais kasi ng magulang niya ang kursong business management ang kunin niya pero hindi iyun ang gusto niya at siya ang nasunod. Akala niya hinayaan lang siya nito sa gusto niyang career pero pinaranas ng mga ito na siya lang ang may gusto niyun at tinuring na siyang black sheep at lalo lumaki ang lamat ng relasyon niya sa kanyang magulang ng tanggihan niya ang marriage agreement ng mga ito sa kanya mula sa anak ng kasosyo ng magulang niya sa negosyo ng mga ito.

Mula noon hindi na siya binabati ng mga ito at dedma siya ng mga ito kapag may reunion sila o may okasyon na nagtatagpo sila ng pamilya niya. Sanay na siya ngayon na mag-isa na lang siya.

She sighed.

"Intindihin mo na lang ang sarili mo..dito samin hindi ka mag-iisa kapamilya ang turingan namin dito lahat!" pukaw sa kanya ni Elson.

Nginitian niya ito. Mabuti na lang may isang tulad nito na tinuturing siyang kaibigan.

HALPERT TRILOGY : AQUILLES HALPERT byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon