Chapter 5

3.8K 135 1
                                    

Womanland

May masasalamin na lungkot sa mga mata ni Reyna Rosalia habang tahimik niya pinagmamasdan ang anak na si Prinsesa Rebeka.

Malayo ang tingin,walang imik at tila invincible ang lahat na nasa paligid nito.

Simula ng mangyari ang mapait na karanasan nito ay hindi na ito makausap at tila bingi sa lahat ng kanyang pagsusumamo na bumalik na ito sa dating ito.

"Ina.." pagtawag ng anak niyang si Prinsesa Roisa.

"Kung sana hinayaan ko na lamang sila mamuhay dito mag-anak hindi sana mangyayari ang trahedyang yun..hindi sana namatay ang pamilya niya," usal niya na puno ng pagsisisi.

"Ina..sinisisi niyo na naman ang inyong sarili. Bakit hindi na lang tayo maging masaya na buhay na bumalik sa atin si Rebeka..mabuti na lamang naabutan ko pa siyang buhay,ina..patawad kong hindi ko na naabutan si Hermes at ang tatlong kambal na buhay.." malungkot na tugon ng anak.

"Sana isang araw bumalik na siya sa atin,pinangungulilahan ko na ang masiyahing Rebeka.." saad niya habang nakatitig sa anak na tila estatwa lang nakaupo at nakatanaw kung saan.

"Anong balita?" agad na pagtatanong niya sa babaeng utusan niya.

Yumukod ito sa kanya bilang paggalang.

"Patawad,mahal na prinsesa..hindi pa rin namin mahanap ang tatlong kambal," nakayuko nitong sagot.

Umangil siya sa naging sagot nito muli. Tatlong dekada na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi pa rin niya mahanap ang anak na kambal ng kapatid niyang si Prinsesa Rebeka.

Alam niyang buhay pa ang mga ito at si Stella,ang tapat na alalay ng kapatid.

"Masyado kayo mabagal maghanap,anong gusto niyo? Ako pa ang kumilos? Ang babagal niyo?! Paano kung gumagawa na ng hakbang si Stella at ang tatlong kambal na yun para sirain ako! Hindi ako makakapayag na malaman ni Ina ang totoong nangyari at hanggang ngayon buhay pa rin ang mga apo niya!"galit na angil niya rito.

" Hindi po kami tumitigil sa paghahanap sa kanila,mahal na Prinsesa,"anito.

Umangil siya.

Hindi niya hahayaan na makapasok sa mundo nila ang kambal at ang Stella iyun. Hinding-hindi siya papayag!

"Pupunta ako sa mundo ng mga tao..siguruduhin mong kumikilos ang lahat roon,"saad niya.

" Opo,Mahal na prinsesa!"agad na pagtugon ng utusan niya.

Naikuyom niya ang mga palad. Sisiguruduhin niyang matutuluyan na ang tatlong kambal at ang Stella iyun bago pa man ang mga ito makapasok sa mundong ito.

Nasa DREAME na po ito mababasa.

CallmeAngge in Dreame

HALPERT TRILOGY : AQUILLES HALPERT byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon