"Side Story ni Julia"

41 5 0
                                    

Julia's POV,

Ginawa ko yun kay Mia para makaganti sa kanya. Pano ba naman sinabi niya kay Raze ko na crush ko siya. Syempre kinilig ang Lola niyo at the same time nahiya ako. Madaldal kasi talaga 'tong si Mia kaya yun yung naisipan kung paraan para maka ganti sa kanya.

"Hi Raze baby!"
"Raze my love be mine!"
"Raze ko, mahal kita!"
"Anakan mo 'ko Fafa Raze!"
"Dito ka dumaan!"  yan yung mga naririnig kung bulungan nung dumaan sa kanila yung Raze ko. Nang dahil sa inis ko ay di ko namalayang nasabi ko pala yung di dapat kung sabihin "Raze KO! Akin ka lang!" o mas mabuting sabihin na naisigaw ko pala ng hindi ko namamalayan.

Bago pa 'ko maka alis sa kinatatayuan ko ay may bigla nalang humatak sakin palayo dun.
"What did you say?" seryoso ang mukha niya habang tinatanong niya sakin yan.

Waaah! Si Raze ko! 'tsk! nagawa mo pa talagang lumandi!' sabi ng bulate sa utak ko.
"H-huh?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"I heard you kanina. Why did you say that?" seryosong tanong niya sakin at the same time amuse siyang tinitingnan ako.
"Kasi yun talaga ang totoo." nakayukong sabi ko. Ayaw ko kasi makita yung reaction niya. Mas mabuti nang sinabi ko ang totoo kaysa naman sa mag todo deny pa 'ko eh malalaman rin naman niya yan.

"Talaga?!" di makapaniwalang tanong niya sakin na ikinagulat ko. Akala ko ba galit siya?
"Di ka galit?" nahihiyang tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit naman ako magagalit?" nagtatakang tanong niya sakin.
"Akala ko kasi galit ka dahil sa ginawa ko kanina at alam ko namang naiirita ka sa mga ganung babae." paliwanag ko sa kanya.
"Bakit naman ako magagalit sa babaeng matagal ko ng gustong maging akin?" simpleng sabi niya na ikinagulat at ikinamula ko. I am so Speechless right now. "T-talaga?!" medyo napalakas yung boses ko dahil sa gulat at kilig.
"Yes, so Princess Julia Ianna Demdam, I will ask you this question once and I will not repeat it. Will you be my girlfriend?" nakangiting tanong niya sakin. Pagkatanong niya nun ay bigla na lang may lumabas na mga kaklase ko galing sa likod niya.
Unang lumabas si Chester na may hawak na card na ang nakasulat ay 'Can' sumunod naman na lumabas ay si Jeanni na may hawak na 'you' sumunod sa kanya ay si Aice na may hawak na 'be' sumunod si Anthony na may hawak na 'my' pagkatapos ay si Inna na may hawak na 'girlfriend' at yung pinaka huli ay si Raze na may hawak na 'please say yes' lumapit siya sakin "Bawal tumanggi. Oo at Oo lang yung choices." yan agad ang sinabi niya pagkalapit niya na ikinatawa ko ng bahagya. Obvious naman na ata yung sagot ko eh. "Masyado nang obvious yung sagot ko." sabi ko sakanya. "Kahit na, gusto ko parin marinig yun mula sayo." Pagpipilit niya sakin. "OO." matipid na sagot ko sakanya na kaagad niya namang naintindihan.
Dahil sa tuwa ay kaagad niya akong niyakap at hinalikan ng mabilis sa labi. "Yes! Yes! I love you! Pangako di kita sasaktan pero di ko maipapangako na di kita papaiyakin dahil baka umiyak ka pero hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya." masayang sabi niya sakin na ikanangiti ko.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon