Chapter 6

125 4 1
                                    


Jill Pov

Niligpit ko na yung pinagkainan namin at dumiretso sa kusina para hugasan

Binukasn ko yung gripo pero walang lumalabas na tubig, sinubukan ko ulit pero wala talagang tubig

Pumunta ako kay Ken unggoy,

"Sir, wala pong tubig sa kusina", humarap sya sakin

"It's not my problem anymore"

"Eh sir, saan po kaya ako makakakuha ng tubig panghugas ng pinggan"

"There's a faucet near the pool, dun ka kumuha ng tubig", sabi niya at humarap ulit sa pinapanuod nya kaya napatingin din ako sa TV

"Hahahahhahah", malakas kong tawa

"Why are you laughing?" asar na tanong ni Ken, ang sama ng tingin nya sakin kaya napatahimik ako

"W-wala po sir", sabi ko at pumunta na sa may swimming pool

"Wow", bulong ko sa sarili ko, ang lawak lawak at ang linis linis nung pool,ang aliwalas tignan, parang ang sarap tuloy maglangoy kaya lang hindi pwede kasi hindi ako marunong lumangoy pag lampas ulo ko na yung tubig eh tingin ko pa lang, halatang malalim

Nakita ko agad yung gripo na tinutukoy ni Ken unggoy kaya dun ako kumuha ng tubig

*splash* *splash* *splash*

Ano ba yan? Basang-basa na yung sahig dahil nabububo yung tubig kada lalakad ako, ang bigat kasi

Ang yaman yaman nga pero bakit kulang sa supply ng tubig

Hindi ba nila alam na 'Water is Life'

Pagdating ko sa kusina, tumingin ako dun sa timba na may lamang tubig at nagulat ako ng makitang kalahati na lang yung tubig, ganun ba talaga karami ang nabubo

Binalikan ko yung sahig na basang-basa, mula pala sa may swimming pool hanggang dito sa kusina basa ang sahig hala dagdag gawain pa yan

Di bale nalang, mamaya ko na lang lalampasuhin pagkatapos kung maghugas ng pinggan

Bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang paghuhugas

Ma-unti lang naman yung hinugasan ko kasi kaka-unti lang naman kaming kumain kaya madali lang ako natapos, napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa ng may narinig akong sumigaw

"Who the f*ck did this", PAKTAY!

Lumapit agad ako,

"Ahmm sir kasi lilinisin ko naman po yan kaso lang tinapos ko po muna yung paghuhugas ng pinggan" pagpapaliwanag ko

"So its you, you're the stupid one did this", natahimik ako sa pagsigaw nya

"ANSWER ME!"

"Y-yes sir pero-"

"Clean this F*cking wet floor now", putol nya sa sasabihin ko

Hinanap ko agad yung mop at luckily, nahanap ko agad kaya dali-dali kung nilampaso yung sahig, nagtataka ako kung bakit parang nag-spread ng sobra yung tubig eh kalahati lang naman yung nabawas sa timba kanina, hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na ang paglalampaso at sa wakas natapos rin

Tinabi ko na yung mop at saglit na umupo sa sofa para makapag-pahinga

"Why are you sitting there?"

"Ay palaka", liningon ko si Ken at muntik na akong matawa sa pwesto nya

Naka-sampa na sya sa sofa at parang takot na takot kaya hindi ko na mapigilang matawa

"Where the hell is that f*cking frog"

BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon