Chapter 16

91 1 0
                                    


Jill's Pov

Nandito ako sa tapat ng kwarto ni Ken para gisingin sya. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang katabi ng kwartong aking tinutuluyan.

"Good morning Zoey. It's nice to see you every morning," sabi nya. Si Hendrix Dean Monteverde.

"Good morning din," naiilang kong sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinatok muli ang kwarto ni Ken. Maya-maya pa ay binuksan na nya ito. As usual, handang-handa na syang pumasok. Naka-ligo't nakabihis na.

"Good Morning babe," bati nya sakin ng may kakaibang ngiti.

"Good morning din. Bakit parang kakaiba ang ngiti mo ngayon? Anong meron?," tanong ko.

"I'm just happy babe," sabi nya at ngumiti ulit ng kagaya kanina.

"Ok, tara na sa baba," sabi ko at sabay kaming pumunta sa dining area. Naabuutan naming kumakain ang kapatid nya. "Good morning Zoey...... Again"

"Dont call her second name," kalmadong sagot ni Ken.

"Ok.I will just call her babe. Is that okay with you?"

"Just call her Jill," sabi ni Ken at kumain na kami ng tahimik. Nakapagtatakang hindi nagagalit si Ken kay Dean. Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang naka-ngiti na parang walang problema. May mali talaga sa kanya o kaya naman malapit na ang end of the world.

*tenenenen tenenenen*

Kinuha ko agad ang cellphone na binigay ni Ken. Nasa sasakyan na kami papuntang school.

"Hello Ma"

"Anak. Ngayon ang operasyon ng papa mo. Pasensya ka na dahil ngayon lang ako nakatawag"

"Okay lang ma. Papunta na po ako dyan," sabi ko at tumingin kay Ken na bakas sa mukha ang pag-aalala? Nagaalala ba sya?? O guni-guni ko lang 'yun.

"O sige anak. Mag-iingat ka"

"Opo ma," sabi ko at pinutol na ang tawag.

"Ken. Pwede bang ihatid-"

"Of course babe. You are my girlfriend"

"Sa KDM hospital"

"Ok"

Ilang minuto lang ay nakarating na agad kami sa hospital dahil ang bilis ng pagpapatakbo ni Ken.

"Good Morning Sir"

"Good morning Mr. Monteverde"

"Good morning Sir"

"Good morning Sir," bati ng mga nakakasalubong naming nurse kay Ken pero hindi nya ito pinansin. Pagsasabihan ko sana sya pero hindi ito ang panahon para 'dun. Kailangan kong maabutan si papa bago sya operahan.

Nakita kong ipapasok nasana si papa si opeartion room pero pinigilan ko.

"Pwede po bang kausapin ko si papa kahit ilang minuto lang," pakiusap ko.

"Marami pa po kaming gagawi-," hindi na nila natapos ang sasabihin nila nang makita nila si Ken na nasa likuran ko. Ano bang meron kay Ken?

"Good morning sir," sabi nung dalawang nurse. "Pwede nyo pong kausapin ang papa mo Mam"

"Sige po. Salamat"

Lumingon ako kay papa na nakatingin din sa akin na may ngiti sa labi. Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong makita nya akong ganito.

"Papa," sabi ko at niyakap sya. "Kaya mo 'yan 'pa. Nandito alng kami ni Mama. Aakyat kapa sa stage. I love you 'pa," Hinalikan ko sya sa noo. Ramdam na ramdam ko ang luha sa mga mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon