Chapter 13

79 1 2
                                    


Continuation...

Kendrix Pov

Pagpunta ko sa kusina, una kong nakita si Zoey. Shit! I forgot to give the food that I bought when I am on my way. Kaya' pala kaini sya ng kain, gutom na gutom na sya.

********

Jill Pov

Enjoy na enjoy ako habang kumakain ng biglang naamoy ko ang pabango ni Ken na papalapit. Pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina, mula umaga hanggang sa may kwarto nya. Naiinis na naman ako. Maya-maya, may pinatong syang paper bag na may nakasulat na , McDo?

"Eat it. I bought it for you", sabi nya at umupo para kumain din. Gusto kong kainin 'yung dala nya pero galit ako sa kanya kaya hindi ko pinansin ang sinabi nya. Tuloy-tuloy parin ako sa pagkain. Narinig kong nagbuntong hininga sya bago nagsalita. "My Zoey, Eat this", sabi nya at nilapit pa 'yung dala nyang pagkain

"At bakit ko naman kakainin 'yan?", mataray kong tanong

"Because I know na magugustuhan mo 'to"

"Pano kanaman nakakasiguradong magugustuhan ko 'yan"

"I just know", simpleng sagot nya. "Eat"

"Ayoko nyan"

"Tsk. I know you're craving to this"

"Ok. Kakainin ko 'yan kung tatahiin mo ang bag kong sinira mo, deal?"

"No way"

"Ok. Madali naman akong kausap. Bahala ka, ikaw din. Matitiis mo bang makita ang girlfriend mong papasok sa school na sira ang bag nya?", tudyo ko sa kanya. Natigilan sya sa sinabi ko at narealized ko ang mga pinagsasabi ko. BAkit ko sinabing 'girlfriend'? Eh 'di parang inamin ko na rin na girlfriend nya ako. Oh gosh! Kaya pala natigilan sya.

"So you're claiming now that you are my girlfriend, huh?"

"H-hindi. Sinabi ko lang 'yun p-para ma-guilty ka", dahilan ko sa kanya.

"And you think na magi-guilty ako?", Parang biglang may tumusok sa puso ko sa mga sinabi nya. Nalungkot ako bigla at hindi ko alam kung bakit pero konting sign na lang, alam ko na ang nararamdaman kong ito para sa kanya.

"Hindi"

"That's the point! Now eat and sleep", sabi nya at pumunta na sa kwarto nya. Tapos na pala syang kumain, hindi ko man lang namalayan. Napa-tingin ako sa dala nyang McDo. Hindi sya nagkamali, magugustuhan ko talaga 'to. Luminga-linga ako sa paligid at ng masigurado kong wala si Ken, nilabas ko 'yung pagkain sa paper bag at kinain. Pumunta ako sa kusina para initin 'yung pagkain at ng mainit na, kinain ko 'ito pero hnidi ko inubos kasi baka isipin nyang kinain ko talaga. Bahala na bukas.

Umakyat na ako sa kwarto at nagisip-isip kung pano ko masusulusyunan ang mga problema ko. Nang maramdaman ko ang antok, syempre natulog na 'ko.

*Morning*

Maagap akong nagisng para ako mismo ang magluto ng umagahan ni Ken. Ito lang ang naisip kong paraan para mapuntahan ko sina Mama at Papa. Ang magpakabait ngayong araw. Pumunta agad ako sa kusina para magluto ng ham, egg, hotdog and bacon. Sinamahan ko na rin ng sinangag o fried rice sa Ingles. HIndi ako sigurado kung kumakain ba ng ganto ang matapobreng lalaking 'yun.

Pagkatapos ko sa kusina, dumiretso agad ako sa banyo para maligo na at sabay kaming kakain ni Ken mamaya. Ng matapos akong mag-ayos ng sarili, dumiretso agad ako sa kwarto ni Ken para gisingin sana sya pero pagbukas ko ng pinto, nakatayo sya sa harapan ko at ready ng pumasok.

Hindi agad ako nakapagsalita kasi nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ang sinabi nyang endearment 'daw' naming dalawa. Huminga ako ng malalim, tumingin ng diretso sa mata nya at ngumiti.

BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon