Chapter 14

77 1 0
                                    


Jill Pov

Hindi ko namalayang naka-tulog ako agad, balak ko sanang tawagan si Kevin bago matulog. Siguro masyado akong napagod sa paglilinis ng mansyon na 'to.

Matapos kong mag-ayos, bumaba agad ako para magluto ng agahan pero naabutan ko si Ken na naghahanda ng pagkain, mas lalo syang gumwapo dahil sa suot nyang apron.

Saglit syang lumingon sakin at ipinagpatuloy ang ginagawa nya. Tsk, hindi man lang ako binati ng 'magandang umaga' o 'good morning'

Umupo na ako sa mesa at kumain agad. Hindi ko na sya inantay dahil wala ako sa mood. Ang dami na nyang atraso sakin. Hindi ko na kailangan pang magpakabait dahil pinyagan nya na ako at wala ng bawian 'yun.

Hindi pa din ako nagsasalita hanggang pagdating namin sa classroom. Hindi ko din sya tinitignan o kahit sulyap lang.

"Jill," napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kevin.

"Kevin, may sasabihin ako sayo"

"What is it?," tanong nya

"Hindi na ako magta-trabaho sa restaurant mo kasi-"

"Because Kendrix didn't allow you," pagpapatuloy nya sa sasabihin ko

"Pano mo nalaman?," tanong ko

"I just know. By the way, Good Morning," bati nya sakin at ngumiti. 'Buti pa sya binati ako.

"Good morning din," sabi ko ng naka-ngiti

"How's your sleep?," tanong nya

"Ahm.. Ok lang naman"

"Good to hear that. Just teel me kung masyado kang pinapahirapan ni Ken," sabi nya na parang naiinis

"Hindi naman at 'saka, trabaho ko naman 'yun," paliwanag ko

"I dont care basta pag pinahirapan ka nya o kaya sinaktan o kaya kinulong sa kwarto o kaya hindi ka nya pinakain o kaya-"

"Hep-hep," putol ka sa sinasabi nya. "Alam mo ikaw, masyado kang paranoid hahahaha"

"Nag-aalala lang naman ako sayo," sabi nya na ikinatigil ko sa pagtawa

"Oo na, nag-aalala ka naman palagi. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling gawin nya 'yung mga sinasabi mo sakin"

"Fine. Kaano-ano mo si Ranz?," tanong nya

"Kaibigan," simpleng sagot ko

"Since when?"

"Ang dami mo namang tano-"

"Just answer it," putol nya sa sasabihin ko.

"'Nung isang linggo pa. Bakit mo natanong?"

"Dont trust him," sabi nya

"And why she should'nt trust me?," tanong ni Ranz na nasa likod ko at umupo sa tabi ko.

"Beause you will just going to hurt her"

"Ano bang sinasabi mo Kevin?," nagtatakang tanong ko

"Yeah? What are you saying?," tanong din ni Ranz. Ano bang problem nya kay Ranz? Magka-away pa 'din sila?

*******

Kevin Pov

Hindi ko masagot ang tanong ni Jill dahil baka isipin nyang sinisiraan ko lang si Ranz kaya hindi ko na lang sya sinagot at bumalik na sa upuan ko para maka-iwas.

Tinignan ko silang dalawa, nag-uusap sila na parang matagal na nilang kilala ang isa't-isa. Nakaramdam ako ng selos, hindi ko magawa ang mga bagay na ganyan dati tapos si Ranz, ilang buwan palang nyang nakilala si Jill pero parang komportable na sya.

BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon