Prologue

14.5K 198 9
                                    

"Rina, pati ba naman ikaw?" gulat na sabi ni Anikka sa kaibigan nang iabot nito sa kanya ang isang envelope na pink pa ang kulay. At the back of the envelope, written in her friend's feminine handwriting, was the name of her God-sibling. At nagkataong kinamumuhian niya ang kapreskuhan ng kinakapatid bukod pa sa sawang sawa na siyang mabungaran ng mga love letter na naka-address sa binata sa tuwing bubuksan niya ang locker niya.

"E-eh kasi..." nagulat pa siya ng hawakan ni Rina ang kamay niya at sa nagmamakaawang mga mata ay harapin siya. "Please, Anikka! Matagal na akong may gusto kay Menriz. Hindi ko lang talaga masabi sa'yo dahil alam kong naiinis ka sa tuwing may hihingi ng pabor na ilakad sila sa kinakapatid mo o kahit nagpapabigay lang ng sulat o regalo. Pero kasi alam mo namang mahina ang loob ko. Ikaw na lang ang tanging makakatulong sa akin. Please, Anikka."

Habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito ay lalong lumalalim ang kunot sa noo ni Anikka. Sa bestfriend niyang ito ihinihinga ang mga reklamo niya tungkol sa kinakapatid niya. Kung gaanong nabubwisit siya sa tuwing kakaibiganin lamang siya ng ibang schoolmate nila para sa huli ay ilakad niya ito sa binata pagkatapos ay malalaman niyang isa pala ang kaibigan niya sa mga babaeng nahihibang sa Menriz na iyon?

Pero hindi naman niya mai-consider na isa sa mga nagtake-advantage ang kaibigan sa kaya dahil bago pa man nito malaman ang koneksiyon niya kay Menriz ay kaibigan na niya ito. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ay huminga siya ng malalim.

"Fine! But this will be the last time." Sabi niya saka pahablot na kinuha ang sulat mula rito.

"Thank you!" at inakap pa siya nito.

"Menriz!" tawag niya sa kinakapatid. Natagpuan niya itong nakahiga sa isang bench sa likod ng gym. Iyon ang paboritong tambayan nito ayon na rin sa mga kaibigan nitong napagtanungan niya.

"Wala, tulog, umalis" simpleng sabi nito saka nag-iba lamang ng posisyon at ni hindi man lang siya nilingon.

Ngali-ngaling damputin niya ang bato sa may paanan niya at ibato rito.

Relax, Anikka. Kinakapatid mo yan. Halimaw man yan, kinakapatid mo pa rin 'yan.

Pagkatapos huminga ng malalim ng ilang beses upang kalmahin ang sarili ay nilapitan niya ito at nag-squat sa harap nito.

"Menriz Manuel Alcala!" sigaw niya kahit nasa harap na niya ito mismo.

"What the---" gaya ng inaasahan ay napabalikwas ito ng bangon. Napangisi tuloy siya. "What the hell is your problem, kiddo?" nakasimangot ng tanong nito sa kanya.

Good. Akala pa naman niya ay sasamaain na siya rito. Kapag nagkataon naman na pinatulan niya ito ay hindi niya ito uurungan. Ngunit mukha namang wala itong balak na sakalin siya kahit malalim na ang pagkakakunot ng noo nito sa kanya tanda ng hindi ito natutuwa sa kanya.

"Oh!" pabalang na sabi niya rito saka ibinalandra sa mukha nito ang envelope. Ngunit imbes na abutin nito iyon ay lumalim lamang lalo ang pagkakakunot ng noo nito.

"Since when did you become their messenger?"

"Since my friend became one of them." Pumalatak siya pagkatapos. Kahit kailan ay wala siyang sulat na ibinigay rito kahit pa sabihing sa locker niya nakatambak ang mga iyon. Diretso iyong lahat sa basurahan sa oras na mahawakan niya.

"Just give it back to her then." Balewalang sabi nito saka muling nahiga at tinalikuran siya.

"Won't you even read it?" gulat na tanong niya rito.

"What made you think I would?" sabi nito nang hindi siya nililingon.

"Don't you think it's rude not to even read it!" she incredulously said. Sinasabi na nga ba niya at halimaw ito! "Pinaghirapang isulat ng kaibigan ko ang sulat na ito tapos ipapabalik mo lang nang hindi man lang binabasa?"

"Then tell her you were able to give it to me and I read it. That way, she won't get hurt."

"And what should you suppose I do to her letter?" kunot noong tanong niya.

"Itapon mo."

"What? What kind of a jerk are you?" nanggigigil na sabi niya rito. Kung noon naiinis siya rito ngunit hindi naman niya ma-explain kung bakit, ngayon ay napagtanto niyang tama pala ang pagkainis niya rito. He was a pig in a body of a handsome human.

At babatukan na niya ang sarili niya dahil nagawa pa niyang isiping "handsome" ito.

Nagulat pa siya ng bigla itong bumangon at humarap sa kanya. Napikon na rin yata ito sa kanya.

"If I'm a jerk, then what are you?"

"W-what?" naguguluhang tanong niya rito. Hindi dahil sa wala siyang maisagot kung hindi dahil natuliro siyang bigla nang mapansing diretso na itong nakatingin sa kanya. Hindi pa ito nakuntento ay inilapit pa ang mukha nito sa kanya.

"Don't act innocent on me. Alam kong itinatapon mo ang mga sulat na inilalagay ng mga babaeng iyon sa locker mo. If you were that nice, why throw them instead of giving them to me like what you're doing right now." His lips curved into a playful smile.

Natigilan naman siya. Paano nitong nalaman iyon? Ngunit ayaw man niyang aminin, alam niyang tama ito.

"T-that was different! They were not my friends. Hindi ko obligasyong tulungan sila!" depensa niya.

"'Doesn't change the fact that you disregarded their feelings when you threw those letters, right?" nakangisi pa ding sabi nito bago bahagyang lumayo sa kanya. "I'm not judging you about that though. I even think it's cool. And I am kind of disappointed today."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Sa pag-aakala niya ay kinokondena nito ang pagtatapon niya ng sandamakmak na love letter nito mula sa sandamakmak ding babaeng nababaliw dito. Ano raw iyon? Cool?

Mukha namang nabasa nito sa mukha niya na naguguluhan siya kaya muli itong nagsalita.

"Tinatapon mo ang lahat ng sulat na para sa akin. I thought you were honest enough to yourself that you threw all those letters because you don't want other girls to get close to me. "

Ilang minuto munang d-in-igest ng utak niya ang sinabi nito bago siya tuluyang nakapag-react.

"W-what?!" patiling sabi niya. Iniisip nitong may gusto siya rito dahil lamang itinatapon niya angmga love letters nito? The nerve! "A-ang kapal ha? Feeling mo lahat ng babae magkakagusto sa'yo? Pwes hindi ako! I don't like jerks like you!"

Bagaman naiinis siya sa sinabi nito, naramdaman pa rin niya ang pag-iinit ng mga pisngi. What the hell was happening to her?

Bago pa nito mapansin ang pamumula niya ay tumayo na siya at nagmartsang palayo ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay napigilan na nito ang braso niya. Iniikot siya nitong paharap at hindi pa man siya nakakahuma ay lumapat na ang labi nito sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya at ramdam niya ang parang panlalaki ng ulo niya.

Is he really...?

Nang bumitaw ito sa kanya ay tulala pa rin siya. She could see him smiling at her but she still could not react. Para bang ang tanging nagregister lamang sa utak niya ay ang huling ginawa nito.

"You don't like me, huh?" maya maya ay sinabi nito. "Well, let's see if you still don't like me now."

Doon unti-unting bumalik ang huwisyo niya. At bago pa maglaho ang ngiti sa mga labi nito ay sinalo na niyon ang kamao niya. Bumagsak ito sa kabilang panig ng upuang kaninang hinihigaan nito.

"You.. You jerk!" patiling sabi niya kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata niya. "I-isusumbong kita kay Ninang!" sigaw niya rito saka nagtatakbo nang palayo sa lugar na iyon.

She was sure she heard him laugh behind her but she does not care anymore. It was her first kiss. And it was stolen by a pig named Menriz! And she will hate him forever for it!

Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon