Inisang lagok ni Anikka ang alak na nasa baso niya saka iyon bahagyang ibinagsak. Ang napapala nga naman ng mga basta na lamang sumasang-ayon kahit hindi pa naman alam ang ipapagawa. She should have asked first before she said yes. At ngayong hindi na niya alam kung paanong babawiin ang sinabi.
"That man does not know how to rest. Panay trabaho na lang ang inaatupag at nag-aalala na ako sa batang iyon. Hindi naman siya masabihan ng secretarya niya dahil sinisindak niya. That's why I want you to be beside him. Nag-resign kailan lang ang secretary niya kaya ngayong nandito ka naman can you do this favor for me, iha? Kailangan noon ng magkakaladkad sa kanya pauwi sa tuwing magpapakalunod siya sa trabaho. And you're perfect for the job since you were close back when you were young, iha."
Close? I am close to killing him back then, actually.
Bakit ba inuulan siya ng kamalasan nitong mga nakaraang araw? Back in America, she was branded as the liar pagkatapos pagdating niya sa Pilipinas, magiging dakilang alalay naman siya ng lalaking kinaiinisan niya noong bata pa siya. She never even thought that there will come a time that she would meet the guy again. Pagkatapos kasi ng pagnanakaw ng halik niya, nagkasakit na ang Mommy niya. Soon her Mom left them and they migrated to the States. Huli niyang nakita si Menriz noong libing ng Mommy niya. She remembered him consoling her. He even hugged her while she was crying. Pero dahil galit siya sa mundo ay isang suntok ang inabot ng mukha nito sa kanya. That was the second time. But just like the last time, hindi ito nagalit sa halip ay ngumiti pa sa kanya.
Oh how he hated him for that! Hindi niya alam kung bakit hindi ito nagagalit sa kanya samantalang piningasan niya ang gwapong mukha nitong gustong gusto ng mga schoolmates nilang nababaliw dito. Hindi rin niya alam ngunit gusto niyang mainis ito sa kanya lalo na ng mga oras na iyon. She wanted to start a fight but he never gave that to her. And she ended up pissed off even more.
Thinking about that now, bigla siyang napaisip kung bakit nga ba siya naiinis sa lalaki. Siguro dahil nga sa madaming babaeng lumalapit rito na hindi naman nito pinapansin. Maybe it was a woman's instinct. Na naiinis siya dahil rude ito sa ibang babae. Na ito na nga ang hinahabol ay nandi-deadma pa ito. Pero hindi ba at naiinis din siya sa mga babaeng umaaligid dito na akala mo ito na lamang ang lalaki sa mundo?
"Ah ewan basta inis ako sa kanya!"
Well it was not like Menriz had betrayed her like what Andrew did. Sa naisip ay napaismid siya. Andrew, her boyfriend for 3 years. Well, ex now. Maalala pa lamang niya ang malanding unggoy na iyon ay parang gusto niyang ipukpok ang basong hawak niya sa ulo nito.
Andrew was her classmate from the University. He was sweet, thoughtful and he respects her. Or so she thought. Kahit kailan sa tatlong taon na naging sila ay hindi siya nito pinilit na may mangyari sa kanila kahit pa nang ma-engage sila nito. Ang akala pa naman niya ay dahil sadyang gentleman lamang ito at iginagalang nito ang pasya niyang maging virgin bride pero nagkamali siya. May reserba naman pala kasi ito at iyon nga ay ang stepsister niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang niloloko ng dalawa at wala na siyang balak alamin pa. The bottomline is she was played around by the guy and her stepsister. Pasalamat pa nga ang lalaki at isang suntok lamang ang natamo sa kanya. No one messes up with Anikka and gets away with it.
Napadako ang tingin niya sa bahagi ng bar na iyon kung saan biglaang nagkumpulan ang mga babae. Napakunot ang noo niya. May artista bang dumating?
"Anong masamang hangin kaya ang nagdala sa lalaking 'yan sa kaharian ko ngayong gabi nang hindi ko ipinapatawag?" sabi ng lalaking bigla na lamang sumulpot sa tabi niya. Nilingon niya ito. Wari namang naramdaman nito ang pagtingin niya kaya nilingon din siya nito pagkatapos ay ngumiti.
BINABASA MO ANG
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published)
Roman d'amour"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when yo...