"NINANG does not live here?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Anikka kay Menriz na nakatayo naman sa likuran niya.
Nadatnan nilang walang tao sa kabahayan kaya naman bahagya siyang nabahala. At nang tanungin niya si Menriz ay napatda siya sa sagot nito. Malamang daw na umuwi na sa bahay nito sa Nueva Ecija ang ina nito kasama na ang kasambahay na lagi umano nitong bitbit. Ang ibig sabihin ay hindi na sa bahay na iyon namamalagi ang Ninang niya.
"She stays here when she's in Manila but most of the time, she's in our hacienda at Nueva Ecija." Walang anumang sabi nito na parang hindi big deal ang sinabi nito.
Well dito, hindi big deal iyon ngunit sa kanya ay oo. Maging ang nag-iisang kasambahay na laging naroon ay wala na rin. Ang ibig sabihin ay dalawa na lamang sila ni Menriz doon!
"Paanong mangyayari iyon eh ang tagal ni Ninang na nakatira dito? Siya pa nga ang nadatnan ko nang dumating ako rito!" pilit pa rin niya. Hindi pa rin kayang tanggapin ng utak niyang maiiwan silang dalawa ng binata sa bahay na iyon. Or in that case, naiwan na nga sila.
"Nag-alala si Mommy sa akin nang malaman niyang palagi akong nagtatagal sa trabaho kaya naisipan niyang puntahan ako rito sa Manila. Tiyempo namang nandito siya nang dumating ka. And she might want to be with her favorite Goddaughter for a while kaya nag-stay siya. Pero hindi niya pwedeng iwan nang matagal ang hacienda dahil walang magus-supervise doon kaya malamang ay bumalik na siya." mahinahon namang paliwanag nito. "Haven't she explained this to you before?"
"Magugulat ba ako nang ganito kung naipaliwanag na niya sakin 'yon?" mataray na balik niya rito.
"Hey don't take it on me." Taas ang mga kamay na sabi nito, amusement written in his eyes. "Hindi ko naman kasalanan na hindi sinabi sa'yo ni Mommy ang mga bagay na iyon."
"Kung gan'on, bakit hindi ikaw ang nagsabi noon pa?" hamon niya rito.
"Hindi naman na tayo nakapag-usap pa pagkatapos nang gabing sunduin kita sa restobar dahil abala na ako sa trabaho, hindi ba?" May point siya doon. At dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat isagot rito ay nagmartsa na lamang siya paakyat ng hagdan. "Where are you going?"
"Magliligpit ng mga gamit ko at maghahanap ng hotel na matutulugan." Sagot niya nang hindi ito nililingon.
"Hey, don't be like that. Mapapagalitan ako ni Mommy kapag pinabayaan kitang umalis rito. Hindi ka pa sanay sa Manila." Sabi nito.
"Taga-Manila din ako noon."
"Marami nang nagbago sa Manila. Isa pa delikado ang manirahan mag-isa kahit pa sabihing sa hotel iyon."
"Then what do you suggest I do---" napatigil siya nang pagpihit niya ay bumungad sa kanya ang mukha nito. Nasa kasunod na baitang ng kinatatayuan niya ito nakatayo at dahil matangkad ito ay magkapantay lamang ang mukha nila ngayon. Paano itong nakasunod sa kanya nang hindi niya namamalayan? May sa pusa ba ito? "W-we cannot stay in one roof!"
"Why not?" inosente pang tanong nito?
"D-dahil lalaki ka at babae ako! Hindi pwedeng nasa iisang bahay lang tayo! Malay ko kung..."
"Kung pagbalakan kita ng masama? Come on, Anikka! Alam mong hindi ako ganoong klase ng tao. Isa pa, alam mo ring madaming babaeng lumalapit sa akin. Kung ganoon nga ang takbo ng isip ko, bakit pa ako lalapit sa iyo kung marami naman akong pwedeng lapitan?"
Ang ibig ba nitong sabihin ay mas gugustuhin nito ang ibang babae kesa sa kanya? Eh kung itulak niya kaya ito? Ilang hakbang pa lang naman ang naaakyat nila. Maaaring mabalian ito pero hindi nito ikamamatay iyon.
Oh, Anikka! Wag kang bayolente!
"The house is big. And you have your own room. Kumpleto naman sa lock iyon kaya hindi mo kailangang mag-alala na baka pasukin kita sa gabi. May banyo din sa kwarto mo kaya ano pa ba ang ikakabahala mo? Isa pa, hindi ba nangako ka kay Mommy na sisiguraduhin mong hindi ako magpapakalunod sa trabaho? Mahihirapan kang gawin iyon kung sa iba ka pa titira." Unti-unting d-in-igest ng utak niya ang mga sinabi nito. Tama ang lahat ng sinabi nito.
"I'll just talk to Ninang, then. Sasabihin kong hindi ko na magagampanan ang inutos niya sa akin." Sabi niya.
"My Mom would be disheartened. Baka bumalik siya rito at mapabayaan ang hacienda. Malulugi iyon at---"
"Fine! Fine!" pagsuko niya. Hindi lamang ito magaling manabla sa mga sinasabi niya, magaling din pala itong mangunsensya. "Pero huwag na huwag mong susubukang pagtangkaan ako ng masama kung hindi sasamain ka talaga!"
"I promise." Nakangiti nang sabi nito sa kanya. Lumipad lahat ng kaba niya nang malaman niyang mag-isa na lamang sila sa bahay na iyon. That smile of his is a great comfort to her system. "Pwede ka nang magpahinga saglit. I'll fix dinner."
BINABASA MO ANG
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when yo...