'Apat na sulok' -TAGALOG

986 6 0
                                    

Sa apat na sulok sa aking puting kwarto,
Mga alaala at memorya'y nakatago
Hindi man mapapansin sa itsura netong bago,
Ang sakit at saya nang nakaraan at kasalukuyan na aking sinalo at patuloy na sinasalo. . .

Eto, eto ang naging saksi nang aking pagluha;
pagngiti, pagsimangot, mga emotion na kung aking maramdaman ay wala ni isa ang nakakakita. . .

Sa likod nang mga kalungkutan, pagpatak nang luha habang nakangiti sa kawalan,
Sa lahat nang aking pagdalamhati ay patago ko lamang dinaramdam ang sakit nang ika'y biglaang iniwan. . .

Sa apat na sulok nang aking puting silid,
Sa pagsusulat nang kanta sa isang gilid,
Sa tuwing dilim na ay sumasapit,
Ang puting pintura sa aking kwarto'y nawawala katulad nang aking mga pekeng ngiti sa aking mga labi. . .

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon