'IkawAtAko' -TAGALOG

1.1K 5 0
                                    

Sa pagpasok pa lamang sa tarangkahan
Nakita ko na agad ang iyong espesyal na katangian;
Napukaw ang bawat taong iyong nadaraanan
Lahat sila'y bilib sa lahat nang iyong katangian
Di kaya, kathang-isip ka lamang?

Bawat ngiti mo ay nagbibigay buhay,
sa aking pusong maihahalintulad sa isang patay
Tumitibok ngunit siya ay nawawala'y
Sa isang madilim na lugar handa na lamang na mamatay

Hindi ko nga naisip na kahit sa isang saglit
Ika'y titingin sa aking gawi
Ilalapat ang mainit na damdamin
Aking puso'y napaawit, natupad ang dalangin

Parang tinatangay nang isang malakas na buhawi
Bitbit aking puso lumilipad sa kalangitan
Sana lahat nang ito'y walang hangganan
Pero tama, lahat nang bagay ay may katapusan;

Lahat sila ay may hangganan
Kung saan walang matatawag na ikaw, at ako,
sadya lamang akong hangal;
Nangangarap na sana ito'y magtagal.

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon