Prologue

27 4 0
                                    

Tanaw ko siya mula sa aming bakuran. Ang lalakeng minsan kong minahal. Lumapit ako sa kanya at bakas ang ngiti mula sa kanyang mga labi pero di mapagkaka-ila ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pagmamakaawa nito.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Usisa ko.

"Tayo?" May pag-aalinlangang sagot nito.

"Tayo.." bumuntong hinga ako binuksan ang gate. Tinungo ko sya sa aming garden.

Nanatili ang sandaling katahimikan sa aming dalawa. Tila bang walang gustong bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming paligid.

"Gusto ko.." lumingon siya sa akin sandali at muling tumingin sa malayo. "Gusto ko sanang humingi ng isa pang chance.."

"Chance.." mahina kong bulong.

"Chance na ayusin tayong dalawa.." pagpapatuloy nito.

"Wala nang tayo.." deretsong tingin ko sa kanya.
"Wala nang tayo simula nung mas pinili mo siya kaysa sa akin.. Wala na tayo simula nung pinakawalan mo ako.." buong tatag kong pahayag habang pilit kong pinipigilan ang mga luhang nais nang bumagsak mula sa aking mga mata.

"Please.." kinuha nya ang aking kamay at hinawakan ito ng maigi. "Please.." bulong nito.

"Nagbago ka.. Nagbago ako.. Nasaktan mo ako at pilit akong bumabangon-"

"Pero sabi mo noon magsimula tayo ulit?" Pagputol niya sa aking sasabihin.

"Lahat ay nagbabago. Maaring nasabi ko iyon dahil naniniwala ako na maaayos pa. Pero hindi na.. Hindi na talaga maibabalik ang lahat sa dati.." Naramdaman kong muli yung sakit na naidulot niya sa akin. "Kung nandito ka para sa peace of mind mo.. pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita sa mga kasalanang nagawa mo sa akin.."

Nabalot kaming muli ng katahimikan.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang ulit. "Chance? Ang dami ko nang binigay na pagkakataon sayo. Pero sinayang mo. Ang daming panahon mong pwedeng ayusin pero hinayaan mong masira tayo. Hinayaan mo siyang makapasok. Hinayaan mo siyang guluhin ang isipan mo. Hinayaan mo siyang sirain tayo.." mukhang hindi ko na mapipigilan ang luha sa aking mga mata.

Mariin kong pinikit ang aking mata kaya unti unting pumapatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sa unang pagkakataon pinakawalan kita. Sa ikalawang pagkakataon pinakawalan mo ako.. Siguro tama lang na sa ikatlong pagkakataon ay palayain na natin ang isa't isa.. Pakawalan mo na ako.. Hindi din ako magiging masaya kung magiging tayo ulit dahil araw araw kong maaalala ang kasalanan mo. At kahit anong pagbawi pa ang gawin mo, sinira mo na ang lahat.."

Unti unti kong inalis ang kamay niya mula sa akin. "Palayain mo na ako.. I deserve to be happy and so are you.."

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinungo ang gate. Nanatili siyang nakatayo habang buong magmamakaawa akong tinignan.

"Paalam.." buong tikas kong banggit habang hinihintay ang dahan dahan niyang paglabas mula sa aking tahanan. Tinignan niya ako sa huling pagkakataon bago tuluyang lumayo.

Tinanaw ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita. Dahan dahan ko nilock ang gate at binulong sa aking sarili.

"Mananatili nang sarado ang pintuang ito para sa iyo.. Malaya ka na at panahon na para palayain ko ang aking sarili.."

Paano kami humantong sa ganito..?

Paano na ang FOURever ko?

11-15-2016

May FOURever? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon