Chapter 1 - Five years ago

18 3 0
                                    

Five years ago...

"Jazel! Aattend tayo sa overnight activity ng org natin sa tagaytay ha?" Paniniguro ni Ena sa akin kasi madalas akong umatras at tamarin. Nasa third year na kami ng college at nagdecide kami na magjoin sa isang organization para mukha kaming active. Charot lang. Gusto talaga namin maging isang tunay na mamayan ng Pilipinas.

"Oo nga di ba? Bakit ba ang kulit mo?" Nakakainis kong tugon kay Ena. Napakakulit na babae kasi nito e. Siya lang naman talaga may gusto na sumali ng mga ganyang aktibidades sa buhay e dinamay pa ako.

"Mabuti na yung sigurado" sabay ngisi nito.

"Ay ewan ko sayo!" Inirapan ko siya ng husto para tantanan na ako pero tinawanan lang niya ako. Sanay na kasi siya sa ugali ko e. Kiber na lang ang lola mo kapag nagtaray ako.

"Malay mo may makilala tayong poging papa doon" nanginginang ang mata nito na kala mo ba'y nangongorteng puso habang kinikilig mag-isa.

"Bakit may pogi papa ba sa org natin?" Tanong ko.

"Wag ka nga! Itong youth org natin eh isa lang tayo sa mga sangay nila. Pag nagsamasama lahat sangay mas marami tayong makikilala" at nag roll pa ng eyes ang bruha. Tama kayo jan sumali kami sa isang youth org.

"Sige na lumayas ka na. Busy ako dito oh. Di ba tag-thesis na. Hindi ka ba hinahanap ng grupo mo? O baka kasi wala ka naman talagang silbi sa grupo mo. Puro ka kalandian!" Binalik ko ang aking atensyon sa pagtatype. Ang hirap kaya gumawa ng thesis.

"Excuse me!" Sabay hila nito sa nakaponytail kong buhok. "Tapos na ako sa part ko no! Matalino kaya ako" at tinuluyan na niyang guluhin ang buhok ko at pagkatapos din ay sinuklayan gamit ang mga kamay niya. "Ang iksi ng buhok mo pinoponytail mo pa.. ang haba na kaya ng buhok mo.." buong panghihinayang nitong bigkas sinabayan pa ng pout ng lips.

"Wala eh. Alam mo naman kapag ang babae broken buhok ang pinagdidiskitahan." Habang patuloy ako sa aking pagtype sa laptop.

Ayun nga nagmomove-on kasi ako kaya ginuputan ko ang buhok ko. Ilang months na nga ba ang nakalipas? 6 months na ata. Two years din kami ni Geno. Oo Geno short for Eugeno. Haha kinulang ng I. Anyway schoolmate ko siya. Pero may conflict talaga kami e. May saltik kasi yun. Parang laging nakikipagcompete sa akin. Masaya yun kapag nalalamangan ako. Kamusta naman yun? E di ba dapat nagtutulungan? So ayun. Nagdecide na ako na makipaghiwalay sa kanya.

"Si Geno.." bulong ni Ena sa akin.

Sinundan ko ng tingin si Geno. Mukhang masaya naman siya. Nagpaparamdam pa din siya minsan. Nanunuyo ba. Pero wala eh. Ako kasi yung tipong kapag tapos na eh tapos na. Sapat na yung chance na naibigay para sa amin.

"Yung girl ba na yun yung bago niyang nililigawan?" Curious na tanong nito.

"Di ko alam eh. Baka?" Kibit balikat kong tugon. Hindi naman sa wala na akong pakialam pero nag momove on nga ako di ba? So why bother pa sa mga ganap sa buhay niya?

Hindi ko na namalayan na naibraid na pala ni Eyna sa isang side ang hanggang leeg kong buhok. "Yan ang ganda mo na" sabay sambad ng salamin sa harap ko.

"Matagal na no!" Tumawa ako parang timang kasi tong babae na to eh.

Muli siyang tumabi sa akin. At kumuha ng selfie "Selfie muna bago pumasok sa klase" at pagtapos ay pinost sa kanyang instagram. Sinilip ko ang phone niya habang nag popost siya. "Daming followers ah.."

"Aanhin ko ang dami ng followers kung yung gusto kong magfollow sakin e wala naman" malungkot nitong tugon.

Pinektusan ko si Ena. "Loka loka. E di sabihan mo yung jowa mong nasa kabilang panig ng daigdig na gumawa ng IG." LDR kasi tong bruhang na to e. Actually working na yung boyfie niya at inaantay lang siya grumaduate para pakasalan na siya. At itong babaeng to naman e gusto na din magpakasal. Nag aantay na lang din na makatapos siya ng work.

Sinara ko ang laptop ko at tinanaw ang mga puno. Medyo mapagmahal sa inang kalikasan kasi ang university namin.

"Ena.. sigurado ka na ba kay June?" Pag aalangan kong tanong. "I mean.. hindi ba masyado ka pang bata para mag-asawa agad after natin ng college?"

Niyakap ako ni Ena. "Bestie wag ka mag-alala dito pa din naman ako sa pinas e." At sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"I mean paano mo nalaman na siya na? Paano ka nakakasiguro? Paano?" At sinandal ko ang ulo ko sa ulo nya.

"Hindi ko alam eh.. basta.. mararamdaman mo kapag yun na.." tugon nito. Bakit kapag nagkakaboyfriend ako feeling ko siya na pero later on madidisappoint lang ako kasi hindi na naman nagwork out. Lagi na lang ganoon. Nakatatlo na ako. Sa ikaapat ko ba e makikita ko na ang pang-fourever ko?

"Jaze... ok lang yan.. bata ka pa naman eh. Lalawak pa mundo mo at marami ka pang makikilala" saad ni Ena.

"Eh bakit ikaw sinara mo na mundo mo kay June? E di lalawak pa din mundo mo. Bakit nagsettle ka na kay June?" Tanong ko dito.

Umalis ito sa pagkakasandal at tumingin sa oras ng phone niya. "Jaze ilang minutes na lang at time na. Tara na." Hinatak ako nito habang nakangiti.

Ayoko pa sanang umalis. Kasi masarap magmuni muni. Ganyan naman si Ena magaling magchange topic lalo na kapag ayaw sagutin ang tanong ko. Lalo na kapag alam niyang may point ako.

03-27-2018

May FOURever? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon