Chapter 5 - Estanislao

10 4 2
                                    

Estanislao...

Nakailapas ang ilang araw medyo madalas kong katext si Jasty. Pampakilig ng araw ba. Mga usual na kamustahan, batian sa umaga, mga kung ano anong kwentuhan basta anything under the sun.

Abala ako sa pagrereply sa message ni Jasty nang may biglang tumabi at dumikit sakin. Alam ko na kung sino yan. Siya lang naman yung madalas tumabi sa akin ng ganito.

"Estanislao!" Bulyaw ko. Medyo maskulado kasi si Stan at isa siya sa mga kaclose namin ni Ena dito sa University.

Kinurot niya ang aking pisngi at sinabing "Estanislao ka dyan! Stanley! Stanley!" At binabanat pa ang mukha ko. Tinanggal ko ng buong lakas ang kamay niya sa aking pisngi. Hinawakan ko ng maigi ang aking pisngi para di na niya hawakan ulit.

"Ang sakit Estanislao!" Nakakainis yung feeling after niyang gawin yun sa pisngi ko. Tumawa lang ito at nginitian ako ng wagas.

"Walang klase?" Tanong ko sa kanya.

"Walang Prof eh. Sakto nakita kita dito at mukhang busy sa textmate mo" sabay tusok sa aking tagiliran. Naiinis na talaga ako sa lalakeng ito. Alam niya kasi ang kiliti ko at alam niya na ayaw ko na kinikiliti ako. Sinilip niya ang phone ko.

"Jasty?" Tila ba hinahalukay niya ang memorya niya kung saan niya nasalubong ang pangalan na yun. As in seryoso siyang nag-iisip. Parang akala mo eh may lightbulb na nagbukas. "Ah yung sa overnight ng youth org tama ba?"

"Oo tama ka Estanislao. Ang galing mo! Bigyan ng jacket yan!" At pinalakpakan ko siya.

"Jacket lang? Di ba pwedeng ikaw na lang?" Buong ngiti nitong balik sakin.

Nang-aasar na naman si Stanley. Ganyan yan eh. Lagi na lang akong dinadaan sa biro. Kailan ba nagseryoso yan? Ah kapag may ganap sa youth org at kasama niya si Nicole.

"So asan na ang prinsesa mo Estanislao?" Pang-aasar ko sa kanya.

Inakbayan niya ako at sinabing "Ito katabi ko" sabay tawa pa nito. Di ko mapigilang mamula minsan kapag may sinasabi siyang ganyan. Kasi nga di ko na alam saan ang biro at saan ang totoo.

Well kung titignan mo gwapo si Stan. Maputi, matangkad at ano pa ba? Ayun medyo maputing bumabayin yung ang tangos ng ilong. Yan ang tsura niya kaya di na ako magtataka kung bakit lagi siyang representative ng college nila kapag may mga Mr and Ms chenelyn pero kahit hindi niya galingan nanalo naman siya minsan.

"Uy nagblush siya!" At tinira na naman ang tagiliran ko.

"Che! Ang init kaya sino bang hindi mamumula sa init ng panahon" tugon ko sa kanya para di halatang kinilig ako ng slight. Ganun talaga minsan kailangan mong magpanggap na manhid para di ka mag assume at masaktan sa huli.

"Stan!" Nakita ko si Nicole na dumaan sa harap namin. "Later ha?" Tumango si Stan at pagkatapos ay kumaway naman si Nicole samin para magpaalam.

Siniko ko si Stan, "Ang ganda no?" Maganda si Nicole di gaanong katangkaran at mahaba ang buhok. Kung titignan mo bagay sila at madalas silang magkasama. Hindi ko alam kung nililigawan ba ni Stan yun o panay lang talaga ang meeting nila para sa youth org.

"Jaze" lumingon ako kay Stan at sakto namang nakaabang ang daliri niya papunta sa pisngi ko. Ang sarap saktan ni Stan lalo na kapag tumawa na siya yung nakakainis na tawa niya na puno ng pang-aasar.

"Tinuro ko na yung maganda" saad nito at sumandal sa table sa kanyang likuran. Tinuro ang maganda? Ako ba yun? Sira talaga tuktok ng lalakeng ito. Wala na namang ibang mapagtripan kundi ako.

"Saan si Ena?" Napansin nito na wala ang sidekick ko.

"Masakit daw ang tyan. Pero tingin ko mag videocall lang sila buong araw ni June. Day off kasi nun." At bumalik ako sa pagreply kay Jasty.

"Hatid kita mamaya pauwi. Kawawa ka naman wala kang kasama." Dagdag pa nito. Di na bago yung ihatid ako ni Stan sa bahay magkalapit lang naman kasi ang subdivision namin.

"Akala ko magkasama kayo ni Nicole mamaya?" Bigla ko kasing naalala ang sabi ni Nicole na 'mamaya ha?'

"Ah sa klase yun nagpapaturo kasi yun eh. Alam mo naman ako matulungin sa kapwa." Pagtapos ay ininuman ang juice ko. Feeling close nga kasi. Pero close talaga kami. Yung tipong madalas kaming magpakamalan na "kami" palibhasa kasi wala namang girlfriend si Stan matagal na mga tipong 3 years ang counting na siyang ineenjoy ang pagiging single.

"Akala ko nililigawan mo yun" inagaw ko ang juice kay Stan at tuluyan ko nang inubos para wala na siyang mainom. Mas malaki pa ata baon nun sakin tapos nakikishare pa. Napansin ko ang oras sa aking phone. "Hala Stan magkaklase na kami" dali dali kong inayos ang aking mga libro at isinilid sa loob ng bag. Kinuha ni Stan ang bag ko at binuhat ito.

"Stan akin na yung bag ko" at tinangka kong kunin sa kanya iyon.

"Ako na magdadala hatid kita sa room mo" at nauna pa siya saking maglakad. Bago to ah ihahatid ako sa classroom? Madalas naman kapag lalayas na kami ni Ena e lumilihis din siya ng landas papunta kung saan saan.

"Anong meron Estanislao at ihahatid mo ako? Meron kang type sa klase ko no?" Sinubukan ko din siyang kilitiin pero walang talab kasi hinuli na niya ang kamay ko at hinawakan.

"Oo meron akong type sa classroom mo" saad nito at pagtapos ay magkahawak kamay na kaming naglalakad papunta sa classroom.

May type siya sa klase? Sino kaya? Para akong natutuwa na hindi sa pinagsasabi ni Stan.

"5pm uwian mo di ba? Antayin kita dito sa labas ng classroom mo ha. Mag-aral mabuti anak!" Sinusukan niyang magseryoso habang sinasabi iyon. Inilagay niya ang backpack sa balikat ko at dahan dahan akong itinulak papuntang classroom. Para akong nahypnotize na pumasok sa classroom. Naguguluhan ako sa pangyayari.

May kakaiba ba kay Stan? O may kakaiba sa akin?
Anong meron kay Estanislao?!?

3-28-2018

May FOURever? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon