Chapter 9 - Tag Team

4 2 0
                                    

Nag-suggest ng laro si Jon. "Yung papatong yung babae sa balikat tapos maglalaban sila. Yung unang malaglag talo."

Wrestling ba tawag doon? Hindi ko din alam basta nilalaro din namin yan kapag mga tipong madami kami. Dahil tatlo sila na lalake nagreferee na lang si Jon baka mainjure pa daw ang balikat niya. Eng erte enebeyen. Si Ana din sumama na lang kay Jon kasi sobra din ang bilang ng mga girls. If I know may something ang dalawang iyon. I smell something fishy. Siyempre kaming tatlo ang magkasama at tatlo din sila sa kabilang team.

Nauna akong sumakay sa balikat ni Stan. Muntik na akong matumba sa pagtayo nito nang hawakan niya ang kamay. Kaya ang nangyari ay magkahawak na ang mga kamay namin. Ang kalaban ko ay walang iba kundi si Love Rosie. Well kung titignan mo mukhang laman ng gym si Rosie kasi toned naman ang body niya. Sumakay na din siya kay Jasty. Ipinusod naman ng mataas ni Jasty ang mahaba niyang buhok para hindi makasagabal sa paglalaro.

"Ready... get set... GO!" Paghuhudyat ni referee na simula na ang laban.

Naglakad na papalapit sa isa't isa sina Jasty at Stan. Parang halos magkasingtakad lang ang dalawa pero pag lumapit na ay mas malaki tingnan ang gym adik din na si Stan. Pero infairness medyo toned din ang katawan ni Jasty.

Nagsalubong na ang mga kamay namin ni Love Rosie. Malakas din ang babaeng ito ayaw magpatinag at yung dalawang support namin parehas ding ayaw magpatalo. Buong lakas kong tinulak ang aking kalaban hanggang sa mahulog na ito.

"One point for Team Stan" hindi man lang kami pinagawan ng magandang team name.

Sa ikalawang round naman ay si Ena at Faye ang magkalaban at alam mo na kung sino ang nanalo. Walang iba kundi ang bruhang si Ena kahit alam ko na si Rosie ang gusto talaga niyang patumbahin. Nag-apir kami ni Ena at makikita mo ang smirk sa mukha nito habang nakatingin kay Rosie.

"Ayaw ko na maglaro" biglang ahon sa pool si Rosie at nagpunta na ito sa isa nga beach beds at humiga.

Pinigilan namin ang tawa namin ni Ena at lumangoy na lang sa pool para hindi kami mahalata.

•••

Nagsipwestuhan na sa beach beds halos lahat ng mga kasama namin. Naisipan kong mag snorkeling kasi di ko naman bet matulog ngayong hapon. Nagpunta ako sa likurang bahagi ng resort kung saan ay naroon ang dagat. Meron din silang mahabang walkway na plastic na kulay blue na nakalatag sa dagat. Nilakad ko ito at parang medyo shaky lang dahil sa pag-alon ng dagat. Naupo ako sa dulo nito at hinayaang damhin ng mga paa ko ang dagat. Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat at akmang itutulak ako pero nang-aasar lang pa. Napatingin ako sa tumulak sa akin at nakita ko ang natatawang mukha ni Jasty.

"Loko to!" Naiinis kong sambit at hinawakan ko ang kumakalabog na aking dibdib. Kinabahan ako doon pano hindi ko pa suot ang aking lifevest at mukang malalim doon. Agad na tumalon si Jasty sa dagat at nagthreading dito. Mukhang malalim nga ang part na ito. Lumapit si Jasty sa aking mga paa at hinawakan ito habang ginagawang suporta sa kanyang pagpapalutang sa dagat.

"Halika na!" Aya nito sa akin habang hinihila ang aking mga paa.

"Sandali lang!" Inabot ko ang lifevest at snorkeling gear. Tinilamsikan ako ni Jasty ng tubig at sinenyasan na wag na suotin ang lifevest at siya na lang bahala sa akin. Tumalikod na tila ba nakaabang sa aking pagbaba. Inipinasok ko sa aking uluhan ang snorkeling gear at lumusong sa tubig. Humawak ako sa balikat ni Jasty at nagsimula na kaming lumangoy papunta sa kabilang parte ng resort. Tumigil si Jasty nang maramdaman niya na kaya ko na itong abutin. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking braso matantya kung kaya ko na ba itong abutin.

Pagkabitaw niya sa akin ay hanggang ulo ko pala ito kahit akala ko ay mababaw na. Agad naman akong inangat ni Jasty at ginawang suporta ang paa niya para naman sa mga paa ko para hindi ako lumubog. Nakangiti itong inaakyat baba ang paang nakasuporta sa akin kaya ako din ay pakiramdam ko ay tumitipa din ako sa dagat. Biglang humampas ang alon kaya naman napakapit ako ng mahigpit mga braso ni Jasty. Kahit hindi siya kasing buff ni Stan ay malalaman mo na may muscle din siya.

Kami lang dalawa dito sa kalagitnaan ng dagat parang kami lang dalawa sa mundong ito ang peg namin. Hindi na kailangan ng words sapat na ang mga aksyon namin. Ngunit naantala ang lahat ng biglang may sumigaw na isang babae.

"Jasty!" Pagtawag nito. Alam na this kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Love Rosie.

"Jazel!" Sigaw din ng babaeng tumabi sa kanya na walang iba kundi si Ena. "Merienda na!" Dagdag pa nito.

Muli akong ipinasan ni Jasty sa kanyang balikat at bumalik kami sa walkway dahil may hagdan doon. Nilingon ko ang dalawang naghihintay sa amin sa di kalayuan at bakas ang ismid sa pagmumukha ni Rosie at ang kunwaring deadmang mukha ni Ena.

Hinayaan akong mauna sa pag-akyat ni Jasty at sumunod din siya. Nang papalapit na kami kina Ena at nauna nang maglakad si Jasty papalapit kay Rosie at sabay na silang naglakad pabalik.

Sinundan ito ng matalim na tingin ni Ena at pagtapos ay humarap sa akin. "Pasensya sa pagiging fourth wheel mahirap na kapag si Love Rosie ang pinag-uusapan."

Napangiti ako sa kaweirduhan ng imahinasyon ni Ena. "Ena?" Pagtawag ko dito at itinaas ang dalawa kong kamay para makipag-apir sa kanya. Hinampas din ni Ena ang dalawang bukas kong palad at maririnig mo ang lutong ng pakikipag-apir nito.

Ang babaeng ito ang ka-tag team ko... :)

Itutuloy...

04-01-2018

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May FOURever? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon