Chapter 4 - See you soon?

12 4 0
                                    

See you soon...

Nagkaroon pa ng ilang session sa umaga tapos after lunch uwian na. Nag-aayos na kami ng gamit nina Ena para ilagay na sa sasakyan.

"Nag-enjoy ka ba Jaze?" Tanong ni Ena sakin.

"Oo naman" nakangiti kong tugon.

"Balita ko youth camp naman sa summer ah." Chika pa nito.

"Oh?" Habang patuloy ako sa pag-aayos ng aking gamit. Di ko alam kung aattend pa ako sa youth camp. Kapag mga youth camp kasi kadalasan 3 days. Tsaka baka mag ala dora the explorer ako nyan kasi bakasyon.

Inayos ko sa pagtupi ang kumot ni Jasty. Aba ngayon ko lang looney tunes pala ang design at nandoon ang favorite ko na si bugs bunny. Nangiti ako habang nakatingin doon.

"Jaze tara na?" Nagulat ako ng tapikin ni Ena ang balikat ko. "Halikan mo na yang kumot tapos ibigay mo kay Jasty" pang-aasar pa nito. Binitawan ko ang kumot at tinakpan ang bibig ni Ena.

"Bruha ka wag kang madaldal ha. Kung ano ano pinagsasabi mo diyan maya marinig tayo." At hinigpitan ko pa lalo ang pagtakip sa bibig niya. Tinanggal niya ito at tinignan ako ng masama.

"Affected?" At pagtapos ay kiniliti naman ako. "Puntahan ko lang yung iba kong friends ha? Sa sasakyan na tayo magkita" paalam nito. Ayan na naman si Miss Friendship.

Nagpunta na ako sa sasakyan pinaandar ito at sumandal ako sa unahan ng aking sasakyan habang suot aking shades at nakatingala sa kalangitan. Sinamahan ko pa ng paghalukipkip ng aking mga braso.

"Ang ganda ng langit no?"

Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko si Jasty na nakasandal din at kopyang kopya ang posisyon ko.

"Tama maganda ang langit" at muli kong tinignan ang kalangitan.

Gusto ko siyang tignan at kuhanan ng picture. Alam mo yun ang gwapo niya tignan at sakto hindi niya suot ang kanyang salamin. Gosh ano ba ko parang high school lang na may crush. Well ganun talaga kailangan gamitan ng deadma effect. Narinig ko ang shutter sound ng camera at napalingon ako kay Jasty. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi sa ginawa niya. Paano kung panget ako sa pic? Loko tong lalakeng to.

"Ayan number mo na lang kulang. Penge ng number mo Jaze." Saad nito na para bang wala ka nang magagawa kundi ibigay ang number mo. Nilagyan na niya ng picture at pangalan ang details ko. Ibinalik ko na ang phone sa kanya matapos ilagay ang number ko. Mayamaya naman ay may nagmissed call sakin.

"Save mo number ko ha" habang nakatingin sa phone nya.

Sinave ko ang number niya. Buti parehas kami ng service provider kung hindi additional charge na naman ito sa aking plan.

"Magdrive ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yup driver din ako kagaya mo lalo na pagdating sa family." Tugon nito.

"Ingat sa pagdrive ha." Nakikita ko na kasi ang papalapit na sina Ena and friends ni Jasty.

"Ikaw din..." at pumasok na siya sa sasakyan niya pero bago pa siya pumasok muli akong tinawag nito.

"Jaze!" Napalingon ako sa kanya kasi nakasandal pa din ako sa harap ng sasakyan ko.

"See you soon!" At pagtapos ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Lumapit na si Ena sakin at binigyan ako ng kakaibang tingin yung may malisya ba. Malisyosa kasi itong babaeng to e.

"Ano na naman?!" Pamumuna ko sa kanya.

"Nagtataray ka na naman?" With matching roll eyes pa. Pumasok na ako sa sasakyan at bumusina ako kina Jasty para hudyat na mauuna na kami. Kumaway kami bilang pamamaalam at tuluyan nang nilisan ang tagaytay.

"Jaze ang ingay ng phone mo" at dinampot ni Ena ang aking phone. Pakialamera kasi tong bruhang ito e at binabasa niya ng malakas ang mga text sakin ni Jasty.

"Hi Jaze!" With feelings pa ang pagbabasa at nagboboses lalake pa siya.
"Paalis pa lang kami dito. Kayo? San na kayo?"
"Ingat sa pagdrive ha"
"Jaze!"
"Jaze!"
"Jaze!"
"Wala lang nangungulit lang hehe"

"Waaaa" tili ni Ena. "Kinikilig ako girl!" Tapos with padyak padyak pa ng paa. Di ko maiwasan ang matawa sa reaksyon ni Ena. Hinablot ko ang phone ko sa kanya at inilagay sa loob ng bag ko.

"Magrereply pa ako Jaze!" Habang pinipilit niyang kunin ang phone at ako naman todo pigil sa kanya kaya malaki ang pasasalamat ko sa Automatic na sasakyan. "Mabangga tayo!" Paninita ko sa kanya.

"Musta kayo ni June?" Change topic ko kala mo ha ikaw lang ang marunong maglihis ng usapan.

"Okay na kami! Medyo nagtampo ako kasi ang busy niya eh. Di na ako namemessage. Tsaka dapat uuwi sya sa summer di daw sya matutuloy." Nangingilid na naman ang luha ng bruha.

"Bakit daw?" Paguusisa ko pa.

"Busy daw siya eh." Malungkot na tugon nito. "Madaming work ngayon dahil natambak sa kanya"

"Yun naman pala eh. Arte nito. Parang di ka naman nasanay sa kanya e." Binigyan ko sya ng matinding irap pano nag iinarte na naman.

Naabutan kami ng traffic kung kailan malapit na kami sa Dasmariñas. Kinuha ko ang aking phone at binasa ang message ni Jasty. Nag-iisip ako ng irereply.

"Ingat din. Medyo naabutan kami ng traffic." Mabilis kong reply. Tumunog agad ang phone ko.

"Hehe wag ka magtext habang nagdadrive"

Charotero to eh. Malamang siya nagtetext din while driving.

"Nagsalita ang hindi nagtetext habang nagdadrive"

"Hahaha wala eh mahina lang naman takbo eh"

"Pang karo ba ang speed mo?"

Bumisina na ang sasakyan sa likod ko kaya nagulat ako ng bahagya. Itinabi ko ang phone ko at umabante ng konti. Tumunog ulit ang phone ko.

"Ako pa? Baka maabutan pa nga kita eh." Oo halata namang pang drag racer ang datingan mo eh.

"Basta ingat ha." Sinilip ko ang stoplight mga 15 seconds na lang mag-go na.

"See you soon :)" yan ang huling message na nabasa ko bago tuluyang nag-green light at hudyat na para mag-GO.

3-28-2018

May FOURever? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon