Biglang Binabalik

254 1 0
                                    

"Kung may pagkakataon kang ibalik ang isang nakaraan at itama ito, ano ito at bakit?"

Biglang tanong sa kin ng kaibigan ko na di ko alam kung bakit bigla niyang naisip.

Hindi ako makasagot, wala akong masagot.

Nung pag-uwi ko sa bahay, nagmuni-muni ano nga ba?

Isa lang ang naisip kong rason kung bakit niya natanong yun,

tungkol yun sa ming dalawa nung ka-MU ko dati,

na iniwan lang ako sa ere. 

Now, sasagutin ko na yung tanong na yun.

"Wala"

Wala akong gustong ibalik pa,

Nangyari na ang lahat ng nangyari.

Ni ayoko na ngang maalala iyun kahit ang mga masasayang alaala.

Marami akong natutunan sa mga nangyari kung yungsa min ngang dalawa ang tinutukoy niya, 

wala akong pinagsisihan.

Kahit noon na hindi ko siya pinapansin para di mahulog pero siya itong lumalapit,

yung kahit inaasar na kami pero pinagtatanggol ko siya na di ako naniniwala sa mga sabi-sabi nila

na playboy siya o bakla,

na tinry kong maging sweet kahit di ko alam kung paano,

na nag-effort akong mag-open up ng feelings para sa kanya pero bigla lang siyang naglaho.

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon