Minsan sa ating panalangin

412 0 0
                                    

Darating sa buhay natin na akala natin hindi dinidinig ng Diyos ang ating mga panalangin,

dahil sa sobrang sakit na ating naranasan pakiramdam natin na tinalikuran tayo ng mundo,

wala tayong matakbuhan dahil pati ang sarili natin ay kalaban na,

sobrang bigat ng lahat na tila pasan natin ang mundo,

hindi magawang ngumiti dahil mas lalo lang tayong  nahihirapan dahil pakiramdam natin na niloloko lang natin ang lahat dahil ang totoo, gusto lang nating mapag-isa ngunit ang gawin iyon ay mahirap pa rin dahil gusto nating may kapitan at may yumakap sa atin habang ibinubuhos ang lahat ng sakit gamit ang ating mga luha,

ngunit mahirap magpanggap,

gaya nga ng sabi nila na mahirap magpakita na matatag ka dahil walang nagtatangkang magtanong kung totoong ok ka ba talaga.

Ang tanging tatakbuhan natin ay ang Diyos lamang, idudulog natin sa kanya ang lahat ng ating mga hinanakit, takot, kawalang pag-asa, kabiguan,

sa kadahilanan na ring gusto na nating makatakbo sa lahat ng pinagdadaanan, kadalasan ay naiinip tayo sa kasagutan na hinihingi natin sa Diyos sa tanong na bakit nangyayari ang lahat ng ito? Naiinip tayo sa tulong na hinihiling natin sa Diyos dahil bakit parang ang tagal?

Nakalulungkot isipin na pati sa pagdulog sa Diyos mas lalo akong nasasaktan kasi pakiramdam ko na nagkasala pa ako dahil kinwestyon ko siya, na alam ko hindi dapat. Mali. Mali.

Pero sa huli, pinagpapatuloy ko pa rin, nagdadasal pa rin ako sa Kanya, nagagawa ko pa ring ipagkatiwala sa Kanya ang buhay ko, na may magandang bukas na darating, Faith, kumbaga.

After all, babalik pa rin ako sa Kanya, after all, 'yung lahat ng sakit, kinakaya ko pa rin at nagagawa ko pa ring ngumiti, after all, may mga taong tumalikod man sa akin, may mga tao pa ring nananatili para palakasin ako, sadyang hindi ko lang ma-appreciate iyon noon dahil ang mga mata at atensyon ko ay nakatingin pa rin sa nakaraan.

Hindi man ibinigay ng Diyos 'yung mga hiniling ko sa Kanya noon, alam ko na kung bakit, kasi nga hindi iyon para sa akin, alam ko na may plano Siya at ibibigay Niya kung ano talaga 'yung para sa akin, pero hindi ako nag-e-expect. Pinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako mag-e-expect para hindi na ako ma-disappoint muli. 

Ganyan ang buhay eh, may mga bagay na talagang hindi para sa iyo at kailangan mo 'yung matutunang intindihin, may nakalaan na bagay sa sadyang para sa'yo lang, ang tangi mo lang gagawin ay buksan ang sarli mo sa mga posibilidad maging sa realidad, huwag mong ilulong ang sarili mo sa kalungkutan, normal lang na bisitahin ang isip mo ng mga alala, pero huwag mong hahayaang baguhin nito ang takbo ng iyong buong araw.

Tandaan natin na ano man ang pinagdadaanan natin, hindi tayo nag-iisa, lahat tayo may hinaharap na pagsubok, nasa sa atin kung paano natin ito haharapin, maging matatag tayo, kaya natin ito, bago pa man tayo talikuran ng mundo, nagawa na ito ng lahat kay Jesus, magtiwala lang sa Kanya, naririnig Niya tayo, sabi nga ng awitin, "Hindi Siya natutulog, Hindi Siya isang pangrap, Siya'y buhay, manalig ka.

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon