Positibo

208 0 0
                                    

Minsan inaalala mo ang mga nakaraan,

nakaraang magkasama pa kayo,

nakaraang kinikilala niyo pa ang isat isa,

nakaraan kung kailan naging masaya kayo,

hinahayaan mo ang sarili mo na gawin ito

hindi para masaktan, umasang muli,

kung hindi pangitiin ang sarili mo.

Binabalikan mo yung mga araw na nakaramdam ka 

ng kakaibang saya, sayang di mo maipaliwanag,

kahit panandalian lang.

Ngunti syempre habang nagto-throwback ka biglang

sasagi sa isip mo ang realidad.

Na lahat ay alaala na lang,

di na maibabalik, 

wala na,

wala na.

Nasa sa'yo naman yun kung paano mo ito  iha-handle, 

desisyon mo kung magpapalamon ka ulit sa nakaraan,

hindi mo ito makakalimutan pero maari namang mabawasan na kung ano man ang bigat na iyong nararamdaman.

TAKE THE POSITIVE SIDE,

Instead na malungkot at mainis

Isipin mo na lang ang rason kung bakit nangyari,

magpasalamat ka na lang na naranasan mo rin

ang magmahal at mahalin,

na sa susunod na bubuksan mo ulit ang puso mo alam mo na 

kung ano ang dapat mong gawin at mga bagay na di mo na dapat

hayaan pang maulit,

Matuto mula rito,

Wag ka ng manghinayang,

Wag ka ng malungkot,

Darating din ang araw na may makakasama kang gumawa ng mga bagong alaala

na hihigit pa sa nakaraan dahil ang mga alaalang inyong magagawa ay hindi lilipas gaya ng nakaraan dahil magpapatuloy ito ngayon at sa kinabukasan.

Positibo lang dapat tayo kaibigan :)

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon