Yung taong ganun.

192 0 0
                                    

Yung tinulungan  mo na nga pinagbintangan ka pa,

Yung nananahimik ka sa isang tabi bigla kang idinamay sa usapan nila,

Yung ginawang topic yung past mo para may mapagtawanan sila,

Yung out of nowhere bigla kang sinabihan ng pangit,

Yung sa mahigit tatlong oras niyong pagsasama, wala kang narinig na positive side about you, lahat puro panlalait at pang-aasar,

Yung pinaghirapan mong gawin at tapusin, hindi man lang na-appreciate kahit wala namang itinulong sa'yo,

Yung lahat ng maririnig mo puro pamumuna samantalang halos ganun din naman siya,

Yung makatulak, makakurot eh daig pa yung nanay mo sa pagdidisiplina sa'yo noon,

Yung natawa ka kasi nakita mong bumalik sa kanya yung sinabi niya,

Yung wala ka na lang pakialam sa sinasabi at ginagawa nila,

Yung para ka na naging bingi kasi nagsawa ka ng i-defend ang sarili mo kasi hindi naman sila naniniwala,

Yung nasanay ka na lang na umintindi, wala eh, kaibigan mo eh,

Yung tinanggap mo na lang at nilunok yung sinasabi nila kasi alam mo sa sarili mo na hindi naman totoo, 

Yung natutunan mong buksan ang isip mo kasi naintindihan mo na you can't please everyone,

Wala eh, kaibigan ko sila eh, siguro 'yun 'yung magandang bagay na natutunan ko mula sa kanila, na maging bukas yung isip kasi dati aminado ako na pikon eh, matapos ang anim na taon, nabiktima akong muli ng bullying, by my friends, I've got hit personally, physically (yes, as in pisikal na humantong pa sa pagkakaroon ko ng pasa), below the belt ang mga tirada, nilunok ko na lang, na alam kong mali kasi nasanay tuloy sila, at tila mas lumalala pa, kasalanan ko rin kaya heto ako distansya muna. Minsan nasasaktan pa rin ako pero deadma na lang, kasi hindi naman totoo eh, instead na ma-down pinili ko na maging positibo sa lahat ng iyon, na mas i-appreciate yung pagiging ako, na ma-improve yung abilities ko, na-discover ko na marami pala akong kayang gawin mag-isa, na hindi kailangan ng tulong, gusto kong maging independent.

Yung napu-prove mo sa kanila na mali sila, na imbes na magmukmok eh nakagagawa ka ng paraan para patunayan na hindi ka ganun, bukas na isip mo eh, nagsilbing inspirasyon.

I'm not saying that you should tolerate they're act instead you should prove them that they're wrong. Magsasawa at mahihiya rin 'yan sa iyo, siguro they don't mean it to be personal, maybe they really want to help you or that's they're real attitude and it  became an instrument for you to help and discover yourself. Huwag mo lang dibdibin kung alam mong mali sila, tandaan mo na lang hindi aangat ang taong nanghihila ng iba pababa.

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon