Kinabukasan...
Tinanghali ako ng gising dahil bukod sa pagod ako ay binabagabag ako ng damdamin ko dahilan para di ako makatulog ng maayos, buong buhay ko di ako nag lihim sa kanya, batid kong ganon din sya saakin.
Pero sa ngayon diko alam kung kaya ko ng sabihin sa kanya. Natatakot ako na baka mawala sya saakin pag nagkataon. Sya nalang ang meron ako.
Sa pag iisip ay pumunta ako sa veranda. Nandon si Amara nag aayos ng mga gamit namin sa school. yung study table yan nandoon pati yung book shelves namin at mga aklat nandoon din.
Anong meron bat nandyan yan? Tanong ko Dahil naguguluhan ako kung anong kaseng trip ba ang gusto nyang gawin.
"Dito nalang tayo mag aral, mas maganda kung sariwang hangin ang malalanghap natin, hindi puro aircon. Bukod don nakakawalang pagod ang tanawin dito". May point naman sya pero kelan pa sya nahilig tumanaw ng kulay green?
Kung sabagay mas maganda nga dito, siguro mas papadalas ang pag aaral natin dahil ito yung paborito nating tambahan.
Usal ko na sabay kaming tumawa.
Paano mo nabuhat yan ng mag-isa? Di ko alam na marunong kag mag lift weighting?
"Sira nagpatulong ako kay mang Berto nakita ko sya sa labas kanina."
Oh!!! naibigay mo na ba sa kanya yung seeds nanabili natin?excited nakong tumubo yun.
"Oo natuwa nga sya e, tataniman nya rin daw yung bakuran nya".
O sige dyan ka na muna at maliligo ako para makapag grocery na ako. tumango lang sya at pumasok na ako sa kwarto ko.
*1 message receive*
From: Babe.
Kumusta? Miss na kita, see you later. I love you.
Miss na rin kita babe. Di ko na sya nireplayan at agad na akong naligo.
Dahil mag go'grocery lang naman ako di naman kailangan na sobrang ganda. I wear loose black shirt and skinny jeans and doll shoes nagsabit din ako ng mga keme like shades, sinabit ko sa damit ko, and nag lagay din ako nh black na relo and hikaw na black na bilog, all black ang peg.
agad akong nagpaalam kay Amara at pinaharurot ang itim kong motor.
Ang totoo nyan inilista ko na kagabi yung mga dapat kong bilhin at ibibigay yon sa sale's lady ng isang grocery para sya na ang kumuha at dadaanan ko nalang pag ka tapos na.
Nang maibigay ko na yung listahan ko. Agad akong dumeretsyo sa tagpuan namin. Naiinggit ako kay Amara noon. Dahil sila pa ni Dewey, halos ipagsigawan nila mahal nila ang isa't isa, nakakapunta sila sa gusto nilang puntahan. Bukod don ay legal sila sa pamilya nila, kahit na hindi pabor si tita Casandra (Mommy ni Dewey) sa relasyon nila. Masaya sila sa isa't isa.
Pero ito ako ngayon, makikipagkita sa karelasyon ko sa tagong lugar, lihim na relasyon. Mahirap pero masaya, minsan masakit, masakit na itanggi nya ako sa barkada, ganon din naman sya sakin. Pero mahal ko e, anong magagawa ko?
Nakita ko sya nakahiga sa ilalim ng puno, natutuwa ako. wala syang ipinagkaiba noon sa ngayon.
Babe? Usal ko, agad naman syang lumingon at ngumiti, naglakad ako papunta sa kanya, niyakap nya agad ako ng sobrang higpit, natutuwa ako sa yakap nya, parang ayoko ng kumawala pa.
"I miss you Babe" bulong nya habang nakayakap sa akin.
I miss you too. Sagot ko sa kanya. Kumawala sya ng kaunti sakin at tumingin sa mata ko.
"I love you" di na ako sumagot at ngumiti nalang sa kanya. Parang kelan lang, pero ang titig nya palaging nag papakaba sa akin.
Yung mga haplos nya kakaiba, parang feeling ko safe ako dahil hawak nya ako, haplos palang nya ramdam ko na mahal nya talaga ako.
Unti-unting bumaba ang tingin nya sa mga labi ako. Parang humihingi nya sakin ng permiso.
"Can I ki.....,,," hindi ko na sya pinatapos at ako na ang unang sumungab sa kanya. agad syang bumawi sa mga halik ko. siniil nya ang pang iababang labi ko. bumabawi ako sa mga halik nya. nakahawak ako sa mga dibdib nya dahil di ko naman alam kung saan ko ba ihahawak ang mga iyon, ang mga kamay nya ay nakayakap sa bewang ko at patuloy na sumisikip ang pag kakayakap nya habang palalim ng palalim ang mga halik namin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
When I'am with HER (On-going)
Random"Im sorry Amara but I'am breking up with you" di ako makapaniwala sa narinig ko, gusto kong mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko, nanghihina ako, gusto kong magising kung panaginip ba to, ay hindi sana panaginip lang to. Hindi ko kaya Dewey...
