Pasahero

13 0 0
                                    

Ang buhay ng tao ay parang isang biyahe
Na lahat ng tao ay may destinasyon
Na para bang nakasakay sa isang jeep
Ngunit pasensya na dahil pinili ko nang pumara
Pumara sa gulong ng buhay
Itigil ang aking buhay
Pinili ko na hindi na tapusin ang biyahe
Pasensya na dahil hindi ko na kayo masasamahan
Pasensya kung bumitaw ako sa pagkakasabit ko sa jeep
Pasensya dahil natakot ako
Natakot dahil sa walang kasiguruhang kahihinatnan
Sana'y tapusin niyo ang biyahe
Sana'y wag kayong bumitaw
Sana'y kumapit lang kayo sa jeep
Kahit mabagal o mabilis ang takbo
Kahit malubak o diretso
Kahit saan man ito lumiko
Huwag kayong bibitaw
Kumapit lang kayo
Ang tanging hiling ko lang
Ay sana maalala niyo na nakasama niyo ako
Sa biyahe ng buhay

-Skyle

TulalalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon