Lihim na liham

15 3 1
                                    

*Marami akong lihim
Sa aking pinakatatagong liham
Maraming mabubunyag
Na dito lang maihahayag

*Mukhang gusto mong malaman
Kung ano ang itong nilalaman
Maaari bang sabihin?
Ang hindi ko maamin

*Ano nga ba ang yong gagawin dito?
Baka kung mabasa ilahad ito
Kung ito'y mabasa ano ang mababago?
Pasensya kung ika'y aking mabibigo

*Ako nga ba'y 'yong kilala?
Upang di ka magalala
Ano nga ba akong klase ng tao?
Ngayon ba ang isipan mo'y nagugulo?

*Sa harap ng mga tao ako'y nakangiti
Pag ako'y tumalikod puno ng pighati
Makikita mong palaging masaya
Ngunit ako'y nagdudusa

*Pag mag-isa'y umiiyak
Ang puso'y biyak na biyak
Ngayo'y alam mo na ang nasa likod ng maskara
Ang buhay ko na sirang-sira

-Skyle

TulalalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon