Walang Luha

52 5 1
                                    

•Iniwan mo akong umiiyak
Kinuha mo ang puso ko't biniyak
Nawala ka ng parang bula
Ito ako't iniwan mong lumuluha

•Naaalala ko ang mga panahon
Nang ako'y mag-isa't mahinahon
Bigla kang dumating
Puso ko'y pumintig

•Akalang ikaw lamang at nababagot
Kaya't ika'y hindi agad sinagot
Dumaan ang maraming panahon
Na para lamang kahapon

•Di Akalang ako'y mahuhulog
Ginising mo ang puso kong tulog
Nag tagal tayo
Ng unit mayroong kayo

•Niloko mo ako
Asan ang yong mga pangako
Ika'y aking minahal
Ikaw ay isang hangal

•Nang ika'y mawala
Parang puso'y nagwawala
Marami nang nangyari
Ako'y binago ng mga pangyayari

•Tayo man ay magkita
Hindi na sasabihing mahal kita
Ikaw ay naglaho ng parang bula
Tumingin asking mata't makikitang AKOY WALANG LUHA

-Skyle

TulalalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon