Chapter 6: Nosebleed si Ako

36 6 1
                                    

*****

Vivory POV

"Wala na siguro siya dito sa unit." palinga-linga ko sa loob habang sinisiguro na di niya ko masusundan pag labas ko.

Dahan-dahan ako lumakad papunta sa pinto. Para tuloy akong magnanakaw sa kinikilos ko sa sarili kong condo unit -_- .

Nang masiguro ko na wala siya, binuksan ko na yung pinto saka lumabas na ko then sinara ko din yung pinto.

*****

Nandito ko sa park kung saan kahit papaano di ako nakakulong sa unit ko. Nakakainip din kaya na laging nasa loob ako. Umaga naman kaya dito na din ako magmomoring excercise since malawak naman yung park, malaya ako makakapagearly routine.

Yan kasi nakasanayan kong gawin nung nasa bahay pa ko sa province. Wala na naman sigurong mangugulo na panggulo na multo, subukan lang talaga nun baka di lang ako makapagpigil.

"Di na talaga ko sinundan ng Koryano na yun?" palinga-linga ko sa paligid habang nagjojogging ako.

Sinisiguro ko kung di na ko nasundan ng Koryanong multo na yun. Bukod nga sa multo siya at takot talaga ako sa multo, hirap makipagsabayan sa pagkoKorean niya. Sa english pa nga lang nosebleed at hirap na ko eh, sa pagkoKorean pa kaya na di ko talaga pinag-aralan masyasdo nun.

"Hay, siguro napag-isip-isip na nun na di ako yung tao na makakatulong sa problema niya." sabi ko sa sarili ko at umupo muna ko sa isang bench para magpahinga muna.

Ni kahit presensya niya di ko na maramdaman dito. Natauhan na siguro sakin. What if naguilty siya nung ginawa niya sakin yung pananakot niya sakin last night kaya di na nagpapakita sa kin?

"Ate, pwede po ba namin kayo maistorbo saglit?" isang mga nasa 15 year old na girl ang lumapit sakin at may lima pa siyang kasama na mga babae na mukhang mga kaages lang niya.

May kanya-kanya silang mga dala na mga folder at mukhang mga group project ata nila ito.

"Oh sure, ano ba kailangan niyo sa kin?" nakangiting tugon ko agad sa kanila.

"Ahm may papasagutan lang po kaming questionaire for our research." sabi ng isa pa niyang kasama at may inabot sa kin yung isa pa nilang kasama na katabi lang niya na isang bond paper at ballpen.

Mga 4th year high school siguro sila or sa curiculum natin ay mga Grade 10 students sila. Gantong mga buwan kasi alam ko gawaan ng mga research ng Grade 10.

Binasa ko na muna ang questionaire at di ako ganon karelate sa topic. KPop Culture.

• Give 2 Kpop group that you know.

• Why the our generation likes the Kpop groups?

Yan yung dalawa sa nakita kong tanong the rest, di ko alam sasagot ko dahil di naman kasi ko ganun kaaddict o fan sa isang Kpop group.

I remember tuloy sa kanila yung research days namin nun nung high school lalo't ilan sa sa mga kasamahan ko sa research ay ang mga barkada's squad na sila Mayumi, Kyle, Giro at Alvin. Nasan na kaya sila? Miss ko na yung mga barkada namin nila Kuya na yun.

"Ano Hazel, diba nakasunod sa yo pag-uwi yung multo na yun?"

"Hindi Mei, akala ko talaga yun na yung oras natin."

"Ikaw Marian, bakit di ka man lang natatakot sa kanya. He's a ghost. Nakakatakot na multo na di natin alam Kung ano kaya niyang gawin sa tin lalo na sayo."

"Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na di totoo yung sinasabi niyo Jhiell. Sarili kong mga mata I see him di siya multo na kinakatakutan niyo. O siguro nga paraan niyo yun para makauwi tayo nun. Guys wag ako."

Oh! Ghost Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon