Chapter 1: Feel The Presence

70 9 3
                                    

*****

A/N: I want to dedicate this chapter to them TheEuver
domina_einstein
redcrown08
Enjoy reading guys and thank you to your support *^▁^*

*****

Vivory's POV

"Dalawang taon na din pala, parang kahapon lang inaasar mo ko kay Giro."

"Ba't di mo na lang kasi aminin na may gusto ka kay Giro?"

"Kuya?! Wala nga ko gusto sa barkada mong siraulo okay?!"

Parang kahapon lang din na ginugulat-gulat mo ko pagkagaling ko ng school.

"Bulaga!"

"Ay anak ng kabayo ni Juan! Kuya Laurence!!"

"Hahahaha! Ang pangit mo pa rin magalit Vivory!"

"I miss the our childish moments, the our asaran and bonding moments." okay di ako iiyak yoko na makita ko ni Kuya na umiiyak kung nasan man siya ngayon. Agad kong pinunasan ang isang patak ng luha ko na patulo pa lang.

"Tapos nang dahil sa pangarap mo magwawakas ang buhay mo. Sana.. I could back in time at pinigilan kita nun edi sana wala kong ini- pinupuntahan dito bukod kay Daddy pag death anniversarry niya o birthday niya."

*Flashback...*

"Kuya LJ!!" agad ako pumunta sa duguan at nakahandusay na si Kuya LJ matapos siyang mabundol ng isang van.

Pupunta sana si Kuya LJ kila Giro nang mabundol siya ng kaskaserong van na parang walang pakialam sa nabangga niya at mabilis din itong tumakas.

Halos di ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari basta si Kuya LJ ko ang nasa isip ko.

"Lawrence!" si Mama na papalapit saming tabi ni Kuya at kasabay nun ang pagdating ng rescue team na magdadala kay Kuya sa ospital.

"Lawrence anak, nandito lang kami ng kapatid mo please, lumaban ka ha." mahagulgol na sabi ni Mama kay Kuya habang mahigpit ito nakawak sa kamay ni Kuya.

Habang ako ay tulala pa rin at nakatingin lang kay Kuya na kung ano-anong aparato nakalagay sa kanya at nag-aagaw buhay. Ni walang patak ng luha ang lumabas hanggang sa napatingin siya sakin na mukhang hinang-hina na at pilit pa rin lumalaban. Doon na lumabas lahat ng emosyon ko.

"V-viel.." chilhood nickname ko tinawag niya sakin na lalong nagpaiyak sakin.

"Kuya.."

"Viel, wag ka ngang umiyak *breath* puma *breath* pangit ka lalo." kahit sa sitwasyon niya, nakuha pa rin niyang mang-asar. Pero okay lang Kuya kung yan ang lalong magpapalakas sayo hahayaan kita basta wag mo muna kaming iwan nila Mama at ng barkada mo.

"Kuya naman eh.." medyo tinapik ko siya sa kamay at pilit na inaabot ang kamay ko na halos mabahiran na ng dugo ang kamay ko.

"Baliw ka pa *breath* rin, tigilan mo *breath* na yang kadramahan mo. *breath* Yoko nakikita kitang *breath* ganyan. Di pa *breath* ko mama *breath* matay noh." nangingiti pero nanghihinang sabi ni Kuya sakin habang mahigpit itong nakahawak sa kamay ko.

Tama ka kuya, di ka pa mamamatay, may childish at prank moments pa tayong magaganap noh, saka may guitar session pa kayo ni Kupal este ni Giro at ng gang kaya wala kang dahilan para mawala ka T^T

Oh! Ghost Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon