(c) 2014 [Sept 10] by InvisibleAdmirer
ALL RIGHTS RESERVED
All rights reserved by the author and any unauthorized copying, stealing, editing, manipulation, and etc. of this work without the written permission of the author will be punished by law under infringement of copyright.
This book is a work of fiction. Any similarities to real role, living or dead, is purely accidental. All characters, places, and events in this work are figments of the author's imagination.
PROLOGUE:
Ano bang feeling pag inlove?
Sabi nila, masaya daw. Meron din namang nagsabi na hindi daw masaya.
Totoo ba na kapag nagmahal ka dapat handa ka rin masaktan? Bakit? Anong point?
Hindi ba pwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan?
Hindi ba pwedeng magkaron ng masayang relasyon forever? Katulad sa mga fairytales?
Yung tipong lahat ng lovestory natatapos sa 'Happily ever after'. Pero sabi nga ni Vice ganda, pwede namang happy lang kahit wala nang ending. Mas masaya yun diba? Forever talaga.
Buti pa nga si Olaf (from 'Frozen') alam ang ibig sabihin ng love. Eh ako? nganga!?
Ang dami ko nang napanuod at nabasang lovestory pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung ano yun?
Tiningnan ko na rin sa Dictionary ang meaning. Masyado namang malalim di ko mareach.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga taong umiiyak dahil nasaktan sa love. Ganun ba talaga kasakit yun? Ayoko ng ganun.
Gusto ko maranasan ang mainlove, pero ayokong masaktan.
I am Ivory Montez. Senior highschool but still NBSB (No Boyfriend Since Birth) and NEIL (No Experience In Love). Para sakin ang love parang unknown X sa algebra. Ang hirap hanapin ng value.
Maraming nagsasabi na hopeless romantic daw ako at forever alone. Hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng hopeless romantic, ano ba yun? Nowadays, madalas kong marinig ang salitang yun.
Tsaka ako? Forever alone? Hindi kaya! May kasama naman ako ah! Si Nathaniel Wynne, ang bestfriend ko since kinder. Pano ba naman? Magbestfriend din ang mom namin, so what would you expect?
Imagine, sabay din silang nagplan ng pagbubuntis nila. Isama mo na rin ang date kung kailan dapat sila manganak. Hindi naman sila nabigo sa plano nila dahil sabay kaming pinanganak ni Nate kaya same birthdate.
Never kami nagkahiwalay niyan dahil sa mom namin. Kung saan ang isa, doon din dapat ang isa. Kulang na nga lang itali nila kami para laging magkasama e.
Hate namin ang isa't isa noon. Lagi ko kasi siyang inaaway pero nung nag Grade 3 kami, natututunan namin tanggapin ang isa't isa. Yun yung time na binubully siya ng classmates namin, ako naman umeksena at superwoman ang peg. Ang taba kasi ni Nate e, kaya madalas tinutukso. Ako naman ang nagiging saviour niya. tss
Minsan nga nakakasawa na siyang ipagtanggol e. Try ko naman kaya minsan ako ang mangbully. Joke. Di ko gagawin yun, baka umiyak kasalanan ko pa. haha shhhh. I don't want to see tears on his eyes again.
Kahit nga siguro mga taba ni Nate, hindi alam ang Love. Pero atleast diba? May karamay ako huh!
Ikaw ba? Para sayo? What is Love?
BINABASA MO ANG
Innocent Love [On-going]
HumorInnocent girl knows nothing about Love. Kailan at saan nga ba matatagpuan ni Ivory Montez ang sagot sa kaniyang katanungan? "What is Love?"